Awit 113:1-9

113  Purihin ninyo si Jah!+Maghandog kayo ng papuri, O kayong mga lingkod ni Jehova,+Purihin ninyo ang pangalan ni Jehova.+  2  Pagpalain nawa ang pangalan ni Jehova+Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+  3  Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito+Ang pangalan ni Jehova ay dapat purihin.+  4  Si Jehova ay naging mataas nang higit sa lahat ng mga bansa;+Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng langit.+  5  Sino ang tulad ni Jehova na ating Diyos,+Siya na tumatahan sa kaitaasan?+  6  Siya ay nagpapakababa upang tumingin sa langit at lupa,+  7  Ibinabangon ang maralita mula sa mismong alabok;+Itinataas niya ang dukha mula sa hukay ng abo,+  8  Upang paupuin siyang kasama ng mga taong mahal,+Kasama ng mga taong mahal ng kaniyang bayan.+  9  Pinatatahan niya sa isang bahay ang babaing baog+Bilang masayang ina ng mga anak.+Purihin ninyo si Jah!+

Talababa