Awit 33:1-22
33 Humiyaw kayo nang may kagalakan, O kayong mga matuwid, dahil kay Jehova.+Mula sa mga matapat ay nararapat ang papuri.+
2 Magpasalamat kayo kay Jehova taglay ang alpa;+Sa panugtog na may sampung kuwerdas+ ay tumugtog kayo para sa kaniya.
3 Umawit kayo sa kaniya ng isang bagong awit;+Pagbutihin ninyo ang pagtugtog sa mga de-kuwerdas kasabay ng mga sigaw ng kagalakan.+
4 Sapagkat ang salita ni Jehova ay matuwid,+At ang lahat ng kaniyang gawa ay sa katapatan.+
5 Siya ay maibigin sa katuwiran at katarungan.+Ang lupa ay punô ng maibiging-kabaitan ni Jehova.+
6 Sa pamamagitan ng salita ni Jehova ay nalikha ang langit,+At ang buong hukbo nila ay sa pamamagitan ng espiritu ng kaniyang bibig.+
7 Tinitipon niyang gaya ng sa prinsa ang tubig ng dagat,+Na inilalagay sa mga imbakan ang dumadaluyong na tubig.
8 Matakot nawa kay Jehova ang lahat ng nasa lupa.+Katakutan nawa siya ng lahat ng tumatahan sa mabungang lupain.+
9 Sapagkat siya ang nagsabi, at nangyari nga;+Siya ang nag-utos, at natatag nang gayon.+
10 Nilansag ni Jehova ang panukala ng mga bansa;+Binigo niya ang mga kaisipan ng mga bayan.+
11 Hanggang sa panahong walang takda ay tatayo ang layon ni Jehova;+Ang mga kaisipan ng kaniyang puso ay sa sali’t salinlahi.+
12 Maligaya ang bansa na ang Diyos ay si Jehova,+Ang bayang pinili niya bilang kaniyang mana.+
13 Mula sa langit ay tumitingin si Jehova,+Nakikita niya ang lahat ng mga anak ng mga tao.+
14 Mula sa tatag na dako na kaniyang tinatahanan+Minamasdan niya ang lahat ng tumatahan sa lupa.
15 Inaanyuan niya ang mga puso nilang lahat;+Isinasaalang-alang niya ang lahat ng kanilang mga gawa.+
16 Walang hari ang naililigtas ng dami ng hukbong militar;+Ang makapangyarihang lalaki ay hindi naililigtas ng saganang lakas.+
17 Ang kabayo ay isang panlilinlang sa pagliligtas,+At sa pamamagitan ng saganang kalakasan nito ay hindi ito makapaglalaan ng pagtakas.+
18 Narito! Ang mata ni Jehova ay nakatingin sa mga may takot sa kaniya,+Sa mga naghihintay sa kaniyang maibiging-kabaitan,+
19 Upang iligtas ang kanilang kaluluwa mula sa kamatayan,+At upang ingatan silang buháy sa taggutom.+
20 Ang amin mismong kaluluwa ay naghihintay kay Jehova.+Siya ang aming katulong at aming kalasag.+
21 Sapagkat sa kaniya ay nagsasaya ang aming puso;+Sapagkat sa kaniyang banal na pangalan ay inilalagak namin ang aming tiwala.+
22 Ang iyong maibiging-kabaitan, O Jehova, ay mapasaamin nawa,+Habang patuloy kaming naghihintay sa iyo.+

