Awit 132:1-18
Awit ng mga Pagsampa.
132 Alalahanin mo, O Jehova, tungkol kay David+Ang lahat ng kaniyang kahihiyan;+
2 Kung paano siya sumumpa kay Jehova,+Kung paano siya nanata sa Makapangyarihan+ ng Jacob:+
3 “Hindi ako papasok sa tolda ng aking bahay.+Hindi ako sasampa sa kama ng aking maringal na higaan,+
4 Hindi ako magbibigay ng tulog sa aking mga mata,+Ni ng idlip man sa aking nagniningning na mga mata,+
5 Hanggang sa makasumpong ako ng dako para kay Jehova,+Isang maringal na tabernakulo para sa Makapangyarihan ng Jacob.”+
6 Narito! Narinig namin iyon sa Eprata,+Nasumpungan namin iyon sa mga parang ng kagubatan.+
7 Pumasok tayo sa kaniyang maringal na tabernakulo;+Yumukod tayo sa harap ng kaniyang tuntungan.+
8 Bumangon ka, O Jehova, sa iyong pahingahang-dako,+Ikaw at ang Kaban+ ng iyong lakas.+
9 Maramtan nawa ng katuwiran ang iyong mga saserdote,+At humiyaw nawa nang may kagalakan ang iyong mga matapat.+
10 Dahil kay David na iyong lingkod,+Huwag mong italikod ang mukha ng iyong pinahiran.+
11 Si Jehova ay sumumpa kay David,+Tunay na hindi niya ito uurungan:+“Mula sa bunga ng iyong tiyan+Ang ilalagay ko sa iyong trono.+
12 Kung iingatan ng iyong mga anak ang aking tipan+At ang aking mga paalaalang ituturo ko sa kanila,+Ang kanilang mga anak din ay magpakailanman+Na uupo sa iyong trono.”+
13 Sapagkat pinili ni Jehova ang Sion;+Pinanabikan niya iyon bilang tahanan para sa kaniyang sarili:+
14 “Ito ang aking pahingahang-dako magpakailanman;+Dito ako tatahan, sapagkat ito ay pinanabikan ko.+
15 Ang mga panustos nito ay walang pagsalang pagpapalain ko.+Ang kaniyang mga dukha ay bubusugin ko ng tinapay.+
16 At ang kaniyang mga saserdote ay daramtan ko ng kaligtasan;+At ang kaniyang mga matapat ay walang pagsalang hihiyaw nang may kagalakan.
17 Doon ko patutubuin ang sungay ni David.+Ipinag-ayos ko ng lampara ang aking pinahiran.+
18 Ang kaniyang mga kaaway ay daramtan ko ng kahihiyan;+Ngunit sa kaniya ay mamumukadkad ang kaniyang diadema.”+

