Awit 88:1-18
Isang awit, isang awitin ng mga anak ni Kora. Sa tagapangasiwa ng Mahalat para sa mga pagtugon. Maskil ni Heman+ na Ezrahita.
88 O Jehova, na Diyos ng aking kaligtasan,+Sa araw ay dumaing ako,+Sa gabi rin sa harap mo.+
2 Sa harap mo ay darating ang aking panalangin.+Ikiling mo ang iyong pandinig sa aking pagsusumamo.+
3 Sapagkat ang aking kaluluwa ay sawa na sa mga kapahamakan,+At ang akin mismong buhay ay nalapit na sa Sheol.+
4 Ako ay napabilang na kasama niyaong mga bumababa sa hukay;+Ako ay naging tulad ng matipunong lalaki na walang lakas,+
5 Napalaya na sa gitna ng mga patay,+Tulad ng mga napatay na nakahiga sa dakong libingan,+Na hindi mo na inalaala paAt inihiwalay mula sa iyong matulunging kamay.+
6 Inilagay mo ako sa kalalim-lalimang hukay,Sa madidilim na dako, sa malaking kalaliman.+
7 Ang iyong pagngangalit ay humagis sa akin,+At pinighati mo ako ng lahat ng iyong dumadaluyong na mga alon.+ Selah.
8 Inilayo mo sa akin ang mga kakilala ko;+Ginawa mo akong lubhang karima-rimarim sa kanila.+Ako ay nakakulong at hindi makalabas.+
9 Ang aking mata ay nanghina dahil sa aking kapighatian.+Ako ay tumawag sa iyo, O Jehova, buong araw;+Sa iyo ay iniunat ko ang aking mga palad.+
10 Gagawa ka ba ng kamangha-manghang bagay para sa mga patay na?+O babangon ba yaong mga inutil sa kamatayan,+Pupurihin ka ba nila?+ Selah.
11 Ipahahayag ba sa dakong libingan ang iyong maibiging-kabaitan,Ang iyong katapatan sa dako ng pagkapuksa?+
12 Malalaman ba sa kadiliman+ ang kamangha-manghang bagay na iyong ginawa,O ang iyong katuwiran sa lupain ng paglimot?+
13 Ngunit sa iyo, O Jehova, ay humingi ako ng tulong,+At sa umaga ay lagi kang sinasalubong ng aking panalangin.+
14 O Jehova, bakit mo itinatakwil ang aking kaluluwa?+Bakit mo pinananatiling nakakubli sa akin ang iyong mukha?+
15 Ako ay napipighati at muntik nang pumanaw mula pa sa aking pagkabata;+Ako ay lubhang nagtiis ng nakatatakot na mga bagay mula sa iyo.+
16 Ang iyong mga siklab ng nag-aapoy na galit ay dumaan sa akin;+Pinatahimik ako ng mga kakilabutan na nagmula sa iyo.+
17 Pinalibutan ako ng mga iyon na parang tubig buong araw;+Kinulong ako ng mga ito nang sabay-sabay.
18 Inilayo mo sa akin ang kaibigan at kasamahan;+Ang mga kakilala ko ay madilim na dako.+

