Awit 74:1-23

Maskil. Ni Asap.+ 74  O Diyos, bakit ka nagtakwil magpakailanman?+Bakit umuusok pa ang iyong galit laban sa kawan ng iyong pastulan?+  2  Alalahanin mo ang iyong kapulungan na binili mo noong sinaunang panahon,+Ang tribo na tinubos mo bilang iyong mana,+Ang Bundok Sion na ito na iyong tinahanan.+  3  Itaas mo ang iyong mga hakbang sa mga namamalaging pagkatiwangwang.+Ang lahat ng bagay sa dakong banal ay pinakitunguhan nang masama ng kaaway.+  4  Yaong mga napopoot sa iyo ay umungal sa gitna ng iyong dako ng kapisanan.+Inilagay nila ang sarili nilang mga tanda bilang siyang mga tanda.+  5  Ang isa ay bantog sa kasamaan sa pagiging gaya niya na nagtataas ng mga palakol sa palumpungan ng mga punungkahoy.  6  At ngayon ang mismong mga nililok doon, ang bawat isa, ay pinagtatataga nila ng palataw at ng mga pamalong may dulong bakal.+  7  Inihagis nila ang iyong santuwaryo sa apoy.+Nilapastangan nila ang tabernakulo ng iyong pangalan hanggang sa mismong lupa.+  8  Sila, maging ang kanilang supling, ay sama-samang nagsabi sa kanilang puso:“Ang lahat ng dako ng kapisanan ng Diyos ay susunugin sa lupain.”+  9  Ang aming mga tanda ay hindi namin nakikita; wala nang propeta,+At walang sinuman sa amin ang nakaaalam kung hanggang kailan. 10  Hanggang kailan, O Diyos, mandurusta ang kalaban?+Pakikitunguhan ba nang walang galang ng kaaway ang iyong pangalan magpakailanman?+ 11  Bakit mo inilalabas ang iyong kamay, ang iyo ngang kanang kamay,+Mula sa iyong dibdib upang tapusin kami? 12  Gayunman ang Diyos ang aking Hari mula pa noong sinaunang panahon,+Ang Isa na nagsasagawa ng dakilang pagliligtas sa gitna ng lupa.+ 13  Ikaw mismo ang nagpadaluyong sa dagat sa iyong sariling lakas;+Binasag mo ang mga ulo ng mga dambuhalang hayop-dagat sa tubig.+ 14  Ikaw mismo ang dumurog sa mga ulo ng Leviatan.+Ibinigay mo ito bilang pagkain sa bayan, sa mga tumatahan sa mga pook na walang tubig.+ 15  Ikaw ang Isa na humahati ng bukal at ng ilog;+Ikaw mismo ang tumuyo ng mga ilog na umaagos nang walang tigil.+ 16  Sa iyo ang araw; gayundin, sa iyo ang gabi.+Ikaw mismo ang naghanda ng tanglaw, ng araw nga.+ 17  Ikaw ang nagtatag ng lahat ng hangganan ng lupa;+Ang tag-araw at ang taglamig—ikaw mismo ang nagtalaga ng mga iyon.+ 18  Alalahanin mo ito: Ang kaaway ay nandusta, O Jehova,+At ang isang hangal na bayan ay nakitungo nang walang galang sa iyong pangalan.+ 19  Huwag mong ibigay sa mabangis na hayop ang kaluluwa ng iyong batu-bato.+Huwag mong limutin ang buhay ng iyong mga napipighati magpakailanman.+ 20  Tingnan mo ang tipan,+Sapagkat ang madidilim na dako sa lupa ay napuno ng mga tirahan ng karahasan.+ 21  O huwag nawang bumalik na may pagkapahiya ang nasisiil.+Purihin nawa ng napipighati at ng dukha ang iyong pangalan.+ 22  Bumangon ka, O Diyos, ipakipaglaban mo ang iyong usapin sa batas.+Alalahanin mo ang pandurusta sa iyo ng hangal buong araw.+ 23  Huwag mong limutin ang tinig niyaong mga napopoot sa iyo.+Ang ingay niyaong mga tumitindig laban sa iyo ay pumapailanlang na palagi.+

Talababa