Awit 86:1-17
Panalangin ni David.
86 O Jehova, ikiling mo ang iyong pandinig. Sagutin mo ako,+Sapagkat ako ay napipighati at dukha.+
2 O bantayan mo ang aking kaluluwa, sapagkat ako ay matapat.+Iligtas mo ang iyong lingkod—ikaw ang aking Diyos—na nagtitiwala sa iyo.+
3 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova,+Sapagkat sa iyo ay lagi akong tumatawag buong araw.+
4 Pasayahin mo ang kaluluwa ng iyong lingkod,+Sapagkat sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+
5 Sapagkat ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+At ang maibiging-kabaitan sa lahat ng tumatawag sa iyo ay sagana.+
6 Makinig ka, O Jehova, sa aking panalangin;+At magbigay-pansin ka sa tinig ng aking mga pamamanhik.+
7 Sa araw ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo,+Sapagkat sasagutin mo ako.+
8 Walang katulad mo sa gitna ng mga diyos, O Jehova,+Ni mayroon mang mga gawa na tulad ng sa iyo.+
9 Ang lahat ng mga bansa na ginawa mo ay darating,+At yuyukod sila sa harap mo, O Jehova,+At magbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan.+
10 Sapagkat ikaw ay dakila at gumagawa ng kamangha-manghang mga bagay;+Ikaw ang Diyos, ikaw lamang.+
11 Turuan mo ako, O Jehova, ng tungkol sa iyong daan.+Lalakad ako sa iyong katotohanan.+Pagkaisahin mo ang aking puso na matakot sa iyong pangalan.+
12 Pinupuri kita, O Jehova na aking Diyos, nang aking buong puso,+At luluwalhatiin ko ang iyong pangalan hanggang sa panahong walang takda,
13 Sapagkat malaki ang iyong maibiging-kabaitan sa akin,+At iniligtas mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol, sa pinakamababang dako nito.+
14 O Diyos, ang mga pangahas ay bumangon laban sa akin;+At hinanap ng kapulungan ng mga mapaniil ang aking kaluluwa,+At hindi ka nila inilagay sa harap nila.+
15 Ngunit ikaw, O Jehova, ay Diyos na maawain at magandang-loob,+Mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan at katapatan.+
16 Bumaling ka sa akin at pagpakitaan mo ako ng lingap.+Ibigay mo ang iyong lakas sa iyong lingkod,+At iligtas mo ang anak ng iyong aliping babae.+
17 Pagpakitaan mo ako ng tanda sa ikabubuti,Upang makita iyon ng mga napopoot sa akin at mapahiya sila.+Sapagkat ikaw mismo, O Jehova, ang tumulong sa akin at umaliw sa akin.+

