Awit 87:1-7
Ng mga anak ni Kora. Isang awitin, isang awit.
87 Ang kaniyang pundasyon ay nasa mga banal na bundok.+
2 Higit na iniibig ni Jehova ang mga pintuang-daan ng Sion+Kaysa sa lahat ng mga tabernakulo ng Jacob.+
3 Maluluwalhating bagay ang sinasalita tungkol sa iyo, O lunsod ng tunay na Diyos.+ Selah.
4 Babanggitin ko ang Rahab+ at ang Babilonya+ na kabilang sa mga nakakakilala sa akin;Narito ang Filistia+ at ang Tiro, pati ang Cus:“Ang isang ito ay ipinanganak doon.”+
5 At tungkol sa Sion ay sasabihin:“Ang bawat isa ay ipinanganak sa kaniya.”+At matibay siyang itatatag+ ng mismong Kataas-taasan.+
6 Ipahahayag ni Jehova, kapag itinatala ang mga bayan:+“Ang isang ito ay ipinanganak doon.”+ Selah.
7 Magkakaroon din ng mga mang-aawit at ng mga mananayaw ng mga sayaw na paikut-ikot:+“Ang lahat ng aking mga bukal ay nasa iyo.”+

