Awit 141:1-10
Awitin ni David.
141 O Jehova, tumawag ako sa iyo.+Magmadali ka sa akin.+Dinggin mo ang aking tinig kapag tumatawag ako sa iyo.+
2 Maihanda nawa ang aking panalangin sa harap mo na gaya ng insenso,+Ang pagtataas ng aking mga palad na gaya ng panggabing handog na mga butil.+
3 Maglagay ka ng bantay, O Jehova, para sa aking bibig;+Bantayan mo ang pinto ng aking mga labi.+
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anumang bagay na masama,+Upang magsagawa ng kahiya-hiyang mga gawa sa kabalakyutan+Kasama ng mga taong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+Upang hindi ko kainin ang kanilang masasarap na pagkain.+
5 Saktan man ako ng matuwid, magiging maibiging-kabaitan pa nga iyon;+At sawayin man niya ako, magiging langis pa nga iyon sa aking ulo,+Na hindi tatanggihan ng aking ulo.+Sapagkat may panalangin pa man din ako sa panahon ng kanilang mga kapahamakan.+
6 Ang kanilang mga hukom ay inihagis sa mga gilid ng malaking bato,+Ngunit narinig nila ang aking mga pananalita, na ang mga iyon ay kaiga-igaya.+
7 Gaya ng isa na nagbibiyak at nagsisibak sa lupa,Ang aming mga buto ay ipinangalat sa bibig ng Sheol.+
8 Gayunman, ang aking mga mata ay nakatuon sa iyo,+ O Jehova na Soberanong Panginoon.+Sa iyo ako nanganganlong.+Huwag mong ibuhos ang aking kaluluwa.+
9 Ingatan mo ako mula sa pagkakahawak ng bitag na iniumang nila sa akin+At mula sa mga silo ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+
10 Ang mga balakyot ay sama-samang mahuhulog sa sarili nilang mga lambat,+Habang ako naman ay dumaraan.

