Awit 11:1-7

Sa tagapangasiwa. Ni David. 11  Kay Jehova ako nanganganlong.+Ano’t nangangahas kayong magsabi sa aking kaluluwa:“Tumakas kang gaya ng ibon sa inyong bundok!+  2  Sapagkat, narito! hinuhutok ng mga balakyot ang busog,+Inihahanda nila sa bagting ang kanilang palaso,Upang panain sa karimlan ang mga matapat ang puso.+  3  Kapag ang mga pundasyon ay nagiba,+Ano ang dapat gawin ng sinumang matuwid?”  4  Si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+Si Jehova—nasa langit ang kaniyang trono.+Ang kaniyang mga mata ay nagmamasid, ang kaniyang nagniningning na mga mata ay nagsusuri+ sa mga anak ng mga tao.  5  Si Jehova ang sumusuri sa matuwid at gayundin sa balakyot,+At ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng Kaniyang kaluluwa.+  6  Magpapaulan siya sa mga balakyot ng mga bitag, apoy at asupre+At nakapapasong hangin, bilang takdang bahagi ng kanilang kopa.+  7  Sapagkat si Jehova ay matuwid;+ iniibig niya ang matuwid na mga gawa.+Ang mga matapat ang siyang makakakita sa kaniyang mukha.+

Talababa