Awit 106:1-48
106 Purihin ninyo si Jah!+Magpasalamat kayo kay Jehova, sapagkat siya ay mabuti;+Sapagkat ang kaniyang maibiging-kabaitan ay hanggang sa panahong walang takda.+
2 Sino ang makapagsasabi ng mga makapangyarihang gawa ni Jehova,+O makapagpaparinig ng lahat ng kaniyang kapurihan?+
3 Maligaya ang mga nag-iingat ng katarungan,+Na nagsasagawa ng katuwiran sa lahat ng panahon.+
4 Alalahanin mo ako, O Jehova, taglay ang kabutihang-loob sa iyong bayan.+Alagaan mo ako sa iyong pagliligtas,+
5 Upang makita ko ang kabutihan sa iyong mga pinili,+Upang makipagsaya ako sa pagsasaya ng iyong bansa,+Upang makapaghambog ako kasama ng iyong mana.+
6 Nagkasala rin kaming gaya ng aming mga ninuno;+Nakagawa kami ng mali; gumawi kami nang may kabalakyutan.+
7 Kung tungkol sa aming mga ninuno sa Ehipto,Hindi sila nagpakita ng anumang kaunawaan sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+Hindi nila inalaala ang kasaganaan ng iyong dakilang maibiging-kabaitan,+Kundi gumawi sila nang mapaghimagsik sa dagat, sa tabi ng Dagat na Pula.+
8 At iniligtas niya sila alang-alang sa kaniyang pangalan,+Upang ihayag ang kaniyang kalakasan.+
9 Kaya sinaway niya ang Dagat na Pula, at iyon ay natuyo;+At pinalakad niya sila sa matubig na kalaliman na waring nasa ilang;+
10 At sa gayon ay iniligtas niya sila mula sa kamay ng napopoot+At binawi sila mula sa kamay ng kaaway.+
11 At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kalaban;+Walang isa man sa kanila ang natira.+
12 Sa gayon ay nanampalataya sila sa kaniyang salita;+Pinasimulan nilang awitin ang kaniyang papuri.+
13 Kaagad nilang nalimot ang kaniyang mga gawa;+Hindi nila hinintay ang kaniyang payo.+
14 Kundi nagpakita sila ng kanilang sakim na pagnanasa sa ilang+At inilagay ang Diyos sa pagsubok sa disyerto.+
15 At ibinigay niya sa kanila ang kanilang kahilingan+At nagsugo siya ng nakagugupong karamdaman sa kanilang kaluluwa.+
16 At kinainggitan nila si Moises sa kampo,+Maging si Aaron na banal ni Jehova.+
17 Nang magkagayon ay bumuka ang lupa at nilulon si Datan,+At tinabunan ang kapulungan ni Abiram.+
18 At may apoy na nagningas sa gitna ng kanilang kapulungan;+Nilamon ng liyab ang mga balakyot.+
19 Bukod diyan, gumawa sila ng isang guya sa Horeb+At yumukod sila sa binubong imahen,+
20 Anupat ipinagpalit nila ang aking kaluwalhatian+Sa isang kawangis ng toro, isang kumakain ng pananim.+
21 Nilimot nila ang Diyos na kanilang Tagapagligtas,+Ang Gumawa ng mga dakilang bagay sa Ehipto,+
22 Mga kamangha-manghang gawa sa lupain ni Ham,+Mga kakila-kilabot na bagay sa Dagat na Pula.+
23 At sasabihin na sana niyang lipulin sila,+Kung hindi lang dahil kay Moises na kaniyang pinili,Na tumayo sa puwang sa harap niya,+Upang pawiin ang kaniyang pagngangalit na lipulin sila.+
24 At hinamak nila ang kanais-nais na lupain;+Hindi sila nanampalataya sa kaniyang salita.+
25 At patuloy silang nagbulung-bulungan sa kanilang mga tolda;+Hindi sila nakinig sa tinig ni Jehova.+
26 Kaya itinaas niya ang kaniyang kamay sa panunumpa may kinalaman sa kanila,+Na ibubuwal niya sila sa ilang,+
27 At na ibubuwal niya ang kanilang supling sa gitna ng mga bansa,+At na pangangalatin niya sila sa mga lupain.+
28 At sila ay nagsimulang lumakip sa Baal ng Peor+At kumain ng mga hain sa mga patay.+
29 Sa dahilang pumupukaw sila ng galit sa kanilang mga ginagawa,+Isang salot nga ang kumalat sa gitna nila.+
30 Nang si Pinehas ay tumayo at mamagitan,+Nang magkagayon ay natigil ang salot.
31 At ibinilang iyon sa kaniya na katuwiranSa sali’t salinlahi hanggang sa panahong walang takda.+
32 Bukod diyan, pumukaw sila ng pagkagalit sa tubig ng Meriba,+Anupat napahamak si Moises dahil sa kanila.+
33 Sapagkat pinapait nila ang kaniyang espirituAt nagsalita siya nang padalus-dalos sa pamamagitan ng kaniyang mga labi.+
34 Hindi nila nilipol ang mga bayan,+Gaya ng sinabi ni Jehova sa kanila.+
35 At nakisama sila sa mga bansa+At natuto ng kanilang mga gawa.+
36 At naglingkod sila sa kanilang mga idolo,+At ang mga ito ay naging silo sa kanila.+
37 At inihain nila ang kanilang mga anak na lalaki+At ang kanilang mga anak na babae sa mga demonyo.+
38 Kaya nagbubo sila ng dugong walang-sala,+Ang dugo ng kanilang mga anak na lalaki at ng kanilang mga anak na babae,Na inihain nila sa mga idolo ng Canaan;+At ang lupa ay narumhan ng pagbububo ng dugo.+
39 At sila ay naging marumi dahil sa kanilang mga gawa+At nagkaroon ng imoral na pakikipagtalik dahil sa kanilang mga gawain.+
40 At ang galit ni Jehova ay lumagablab laban sa kaniyang bayan,+At kinasuklaman niya ang kaniyang mana.+
41 At paulit-ulit niya silang ibinigay sa kamay ng mga bansa,+Upang mapamahalaan sila ng mga napopoot sa kanila,+
42 At upang masiil sila ng kanilang mga kaaway,At upang masupil sila sa ilalim ng kanilang kamay.+
43 Maraming ulit niya silang inililigtas,+Ngunit sila mismo ay gumagawi nang mapaghimagsik sa kanilang masuwaying landasin,+At ibinababa sila dahil sa kanilang kamalian.+
44 At nakikita niya ang kanilang kabagabagan+Kapag naririnig niya ang kanilang pagsusumamo.+
45 At naaalaala niya ang kaniyang tipan hinggil sa kanila,+At nalulungkot siya ayon sa kasaganaan ng kaniyang dakilang maibiging-kabaitan.+
46 At ipinagkakaloob niyang sila ay kahabaganSa harap ng lahat niyaong mga humahawak sa kanila bilang bihag.+
47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+At tipunin mo kami mula sa mga bansa+Upang magpasalamat sa iyong banal na pangalan,+Upang magsalita nang may pagbubunyi sa iyong ikapupuri.+
48 Pagpalain nawa si Jehova na Diyos ng Israel+Mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda;At ang buong bayan ay magsasabi ng Amen.+Purihin ninyo si Jah!+

