Awit 8:1-9

Sa tagapangasiwa ng Gitit.+ Awitin ni David. 8  O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa,+Ikaw na ang dangal ay isinasalaysay sa ibabaw ng langit!+  2  Mula sa bibig ng mga bata at mga pasusuhin ay nagtatag ka ng lakas,+Dahil doon sa mga napopoot sa iyo,+Upang pahintuin ang kaaway at ang naghihiganti.+  3  Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri,+Ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda,+  4  Ano ang taong mortal+ anupat iniingatan mo siya sa isipan,+At ang anak ng makalupang tao anupat pinangangalagaan mo siya?+  5  Ginawa mo rin siyang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga tulad-diyos,+At pinutungan mo siya ng kaluwalhatian+ at karilagan.+  6  Pinagpupuno mo siya sa mga gawa ng iyong mga kamay;+Ang lahat ng bagay ay inilagay mo sa ilalim ng kaniyang mga paa:+  7  Mga tupa at kambing at mga barakong baka, ang lahat ng mga ito,+At gayundin ang mga hayop sa malawak na parang,+  8  Ang mga ibon sa langit at ang isda sa dagat,+Anumang dumaraan sa mga landas ng mga dagat.+  9  O Jehova na aming Panginoon, pagkaringal ng iyong pangalan sa buong lupa!+

Talababa