Awit 64:1-10

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 64  Dinggin mo, O Diyos, ang aking tinig dahil sa aking pagkabahala.+Mula sa panghihilakbot sa kaaway ay ingatan mo nawa ang aking buhay.+   Ikubli mo nawa ako mula sa lihim na usapan ng mga manggagawa ng kasamaan,+Mula sa pagkakagulo ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+   Na nagpatalas ng kanilang dila na gaya ng tabak,+Na nag-asinta ng kanilang palaso, ang mapait na pananalita,+   Upang panain mula sa mga kubling dako yaong walang kapintasan.+Bigla nila siyang pinapana at hindi natatakot.+   Nangungunyapit sila sa masamang pananalita;+Nag-uusap sila tungkol sa pagtatago ng mga bitag.+Sinabi nila: “Sino ang nakakakita ng mga iyon?”+   Sinasaliksik nila ang mga bagay na di-matuwid;+Nagtago sila ng tusong katha na sinaliksik nang mainam,+At ang panloob na bahagi ng bawat isa, ang kaniya ngang puso, ay malalim.+   Ngunit biglang ipapana sa kanila ng Diyos ang isang palaso.+Sila ay nagkasugat,+   At sila ay naninisod.+Ngunit ang kanilang dila ay laban sa kanilang sarili.+Ang lahat ng tumitingin sa kanila ay mag-iiling ng kanilang ulo,+   At ang lahat ng makalupang tao ay matatakot;+At magpapahayag sila tungkol sa gawa ng Diyos,+At tiyak na magkakaroon sila ng kaunawaan sa kaniyang gawa.+ 10  At ang matuwid ay magsasaya kay Jehova at manganganlong sa kaniya;+At ang lahat ng matapat ang puso ay maghahambog.+

Talababa