Awit 104:1-35
104 Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko.+O Jehova na aking Diyos, ikaw ay lubhang dakila.+Dinamtan mo ang iyong sarili ng dangal at karilagan,+
2 Binabalutan mo ang iyong sarili ng liwanag na parang kasuutan,+Na iniuunat ang langit na tulad ng telang pantolda,+
3 Ang Isa na nagtatayo ng kaniyang mga pang-itaas na silid na may mga biga sa mismong tubig,+Na ginagawang kaniyang karo ang mga ulap,+Na lumalakad sa mga pakpak ng hangin,+
4 Na ginagawang mga espiritu ang kaniyang mga anghel,+Lumalamong apoy naman ang kaniyang mga lingkod.+
5 Itinatag niya ang lupa sa mga tatag na dako nito;+Hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.+
6 Tinakpan mo ito ng matubig na kalaliman na tulad ng kasuutan.+Ang tubig ay nakatayo sa ibabaw ng mismong mga bundok.+
7 Sa iyong pagsaway ay tumakas sila;+Sa dagundong ng iyong kulog ay nagtatakbo sila sa takot—
8 Ang mga bundok ay umahon,+Ang mga kapatagang libis ay lumusong—Sa dakong itinatag mo para sa kanila.
9 Isang hangganan ang iyong itinakda, na sa kabila nito ay hindi sila makalalampas,+Upang hindi na nila muling takpan ang lupa.+
10 Isinusugo niya ang mga bukal sa mga agusang libis;+Sa pagitan ng mga bundok ay patuloy silang umaagos.
11 Patuloy nilang pinaiinom ang lahat ng mababangis na hayop sa malawak na parang;+Ang mga sebra+ ay laging nagpapamatid-uhaw.
12 Sa ibabaw nila ay dumadapo ang mga lumilipad na nilalang sa langit;+Mula sa malalagong dahon ay nagpaparinig sila ng kanilang huni.+
13 Dinidilig niya ang mga bundok mula sa kaniyang mga pang-itaas na silid.+Ang lupa ay busóg sa bunga ng iyong mga gawa.+
14 Nagpapasibol siya ng luntiang damo para sa mga hayop,+At ng mga pananim para sa paglilingkod sa sangkatauhan,+Upang maglabas ng pagkain mula sa lupa,+
15 At ng alak na nagpapasaya sa puso ng taong mortal,+Upang paningningin ng langis ang mukha,+At ng tinapay na nagpapalakas sa puso ng taong mortal.+
16 Ang mga punungkahoy ni Jehova ay busóg,Ang mga sedro ng Lebanon na kaniyang itinanim,+
17 Na pinamumugaran ng mga ibon.+Kung tungkol sa siguana, ang mga puno ng enebro ang bahay nito.+
18 Ang matataas na bundok+ ay para sa mga kambing-bundok;+Ang malalaking bato ay kanlungan para sa mga kuneho sa batuhan.+
19 Ginawa niya ang buwan para sa mga takdang panahon;+Nalalamang lubos ng araw kung saan ito lulubog.+
20 Nagpapangyari ka ng kadiliman, upang maging gabi;+Doon gumagala ang lahat ng maiilap na hayop sa kagubatan.
21 Ang mga may-kilíng na batang leon ay umuungal dahil sa sisilain+At dahil sa paghahanap ng kanilang pagkain mula sa Diyos.+
22 Ang araw ay nagsisimulang sumikat+—nag-aalisan silaAt nahihiga sila sa kani-kanilang taguang dako.
23 Ang tao ay humahayo sa kaniyang gawain+At sa kaniyang paglilingkod hanggang sa kinagabihan.+
24 Kay rami ng iyong mga gawa, O Jehova!+Sa karunungan ay ginawa mong lahat ang mga iyon.+Ang lupa ay punô ng iyong mga likha.+
25 Kung tungkol sa dagat na ito na napakalaki at napakaluwang,+Doon ay may mga bagay na gumagala na walang bilang,+Mga nilalang na buháy, maliliit at malalaki.+
26 Doon yumayaon ang mga barko;+Kung tungkol sa Leviatan,+ siya ay inanyuan mo upang maglaro roon.+
27 Silang lahat—sa iyo sila naghihintay+Upang mabigyan sila ng kanilang pagkain sa kapanahunan.+
28 Ang ibinibigay mo sa kanila ay kinukuha nila.+Binubuksan mo ang iyong kamay—nabubusog sila ng mabubuting bagay.+
29 Kung ikukubli mo ang iyong mukha, naliligalig sila.+Kung aalisin mo ang kanilang espiritu, pumapanaw sila,+At bumabalik sila sa alabok.+
30 Kung isusugo mo ang iyong espiritu, sila ay nalalalang;+At ginagawa mong bago ang balat ng lupa.
31 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay magiging hanggang sa panahong walang takda.+Si Jehova ay magsasaya sa kaniyang mga gawa.+
32 Tinitingnan niya ang lupa, at ito ay nayayanig;+Hinihipo niya ang mga bundok, at ang mga ito ay umuusok.+
33 Aawit ako kay Jehova sa buong buhay ko;+Aawit ako ng papuri sa aking Diyos hangga’t ako ay nabubuhay.+
34 Maging kalugud-lugod nawa ang aking pagninilay-nilay tungkol sa kaniya.+Ako, sa ganang akin, ay magsasaya kay Jehova.+
35 Ang mga makasalanan ay malilipol mula sa lupa;+At kung tungkol sa mga balakyot, sila ay mawawala na.+Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko. Purihin ninyo si Jah!+

