Awit 55:1-23

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Maskil. Ni David. 55  Pakinggan mo, O Diyos, ang aking panalangin;+At huwag kang magtago sa paghiling ko ng lingap.+   Magbigay-pansin ka sa akin at sagutin mo ako.+Ako ay nababalisa dahil sa aking pagkabahala,+At wala akong magawa kundi ang mabagabag,   Dahil sa tinig ng kaaway, dahil sa panggigipit ng balakyot.+Sapagkat palagi nila akong binabagsakan ng bagay na nakasasakit,+At sa galit ay nagkikimkim sila ng matinding poot laban sa akin.+   Ang akin mismong puso ay dumaranas ng matinding kirot sa loob ko,+At ang mga pagkatakot sa kamatayan ay nahulog sa akin.+   Ang takot, oo, ang panginginig ay pumapasok sa akin,+At tinatakpan ako ng pangangatog.   At lagi kong sinasabi: “O kung may mga pakpak lamang sana ako na gaya ng sa kalapati!+Lilipad ako at tatahan.+   Narito! Magpapakalayu-layo ako sa pagtakas;+Manunuluyan ako sa ilang.+Selah   Magmamadali akong tumungo sa dakong matatakasan koMula sa humahagibis na hangin, mula sa unos.”+   Lituhin mo, O Jehova, hatiin mo ang kanilang dila,+Sapagkat nakakita ako ng karahasan at pagtatalo sa lunsod.+ 10  Araw at gabi ay nililibot nila iyon sa ibabaw ng mga pader niyaon;+At ang pananakit at ang kabagabagan ay nasa loob niyaon.+ 11  Ang mga kapighatian ay nasa loob niyaon;At mula sa liwasan niyaon ay hindi humihiwalay ang paniniil at ang panlilinlang.+ 12  Sapagkat hindi isang kaaway ang dumusta sa akin;+Kung gayon nga ay napagtiisan ko sana.Hindi isang masidhing napopoot sa akin ang lubhang nagpalalo laban sa akin;+Kung gayon nga ay nakapagkubli sana ako mula sa kaniya.+ 13  Kundi ikaw iyon, isang taong mortal na kagaya ko,+Isa na pamilyar sa akin at kakilala ko,+ 14  Sapagkat dati ay magkasama tayong nagtatamasa ng matamis at matalik na kaugnayan;+Patungo sa bahay ng Diyos ay dati tayong naglalakad na kasama ng karamihan.+ 15  Mapasakanila sana ang mga kaabahan!+Bumaba sana silang buháy sa Sheol;+Sapagkat sa paninirahan nila bilang dayuhan ay masasamang bagay ang nasa loob nila.+ 16  Sa ganang akin, sa Diyos ako tatawag;+At ililigtas ako ni Jehova.+ 17  Gabi at umaga at katanghalian ay wala akong magawa kundi ang mabahala at ako ay dumaraing,+At dinirinig niya ang aking tinig.+ 18  Tiyak na tutubusin niya ang aking kaluluwa at ilalagay ito sa kapayapaan mula sa pagbabaka laban sa akin,+Sapagkat maramihan silang naging laban sa akin.+ 19  Diringgin sila ng Diyos at sasagutin sila,+Siya na nakaupo sa trono gaya noong nakalipas+SelahSila na walang mga pagbabago+At hindi natatakot sa Diyos.+ 20  Iniunat niya ang kaniyang mga kamay laban sa mga may pakikipagpayapaan sa kaniya;+Nilapastangan niya ang kaniyang tipan.+ 21  Mas madulas kaysa sa mantikilya ang mga salita ng kaniyang bibig,+Ngunit ang kaniyang puso ay nakahilig na lumaban.+Ang kaniyang mga salita ay mas malambot kaysa sa langis,+Ngunit ang mga iyon ay mga hugót na tabak.+ 22  Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova,+At siya ang aalalay sa iyo.+Hindi niya kailanman ipahihintulot na ang matuwid ay makilos.+ 23  Ngunit ikaw, O Diyos, ibababa mo sila sa pinakamalalim na hukay.+Kung tungkol sa mga taong may pagkakasala sa dugo at mapanlinlang, hindi nila ipamumuhay ang kalahati ng kanilang mga araw.+Ngunit sa ganang akin, magtitiwala ako sa iyo.+

Talababa