Awit 20:1-9
Sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
20 Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng kabagabagan.+Ipagsanggalang ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+
2 Ipadala niya nawa ang tulong sa iyo mula sa dakong banal,+At alalayan ka mula sa Sion.+
3 Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong mga handog na kaloob,+At tanggapin niya nawa ang iyong handog na sinusunog bilang bagay na mataba.+ Selah.
4 Ibigay niya nawa sa iyo ang ayon sa iyong puso,+At ang lahat nawa ng iyong panukala ay tuparin niya.+
5 Hihiyaw kami nang may kagalakan dahil sa iyong pagliligtas,+At sa pangalan ng aming Diyos ay itataas namin ang aming mga watawat.+Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng iyong mga kahilingan.+
6 Ngayon ay nalalaman ko na talagang inililigtas ni Jehova ang kaniyang pinahiran.+Sinasagot niya siya mula sa kaniyang banal na langit+Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga gawa ng pagliligtas ng kaniyang kanang kamay.+
7 Sa ilan ay ang tungkol sa mga karo at sa iba ay ang tungkol sa mga kabayo,+Ngunit, para sa amin, ang tungkol sa pangalan ni Jehova na aming Diyos ang aming babanggitin.+
8 Ang mga iyon mismo ay nagiba at nabuwal;+Ngunit kami naman, bumangon kami, upang kami ay manauli.+
9 O Jehova, iligtas mo ang hari!+Sasagutin niya kami sa araw na kami ay tatawag.+

