Awit 98:1-9
Isang awitin.
98 Umawit kayo kay Jehova ng isang bagong awit,+Sapagkat kamangha-mangha ang mga bagay na kaniyang ginawa.+Ang kaniyang kanang kamay, maging ang kaniyang banal na bisig, ay nagtamo ng kaligtasan para sa kaniya.+
2 Ipinakilala ni Jehova ang kaniyang pagliligtas;+Sa paningin ng mga bansa ay isiniwalat niya ang kaniyang katuwiran.+
3 Inalaala niya ang kaniyang maibiging-kabaitan at ang kaniyang katapatan sa sambahayan ng Israel.+Nakita ng lahat ng mga dulo ng lupa ang pagliligtas ng ating Diyos.+
4 May-pagbubunyi kayong sumigaw kay Jehova, lahat kayong mga tao sa lupa.+Magsaya kayo at humiyaw nang may kagalakan at umawit.+
5 Tumugtog kayo para kay Jehova sa alpa,+Sa alpa at sa tinig ng awitin.+
6 Sa mga trumpeta at sa tunog ng tambuli+May-pagbubunyi kayong sumigaw sa harap ng Hari, si Jehova.
7 Umugong ang dagat at ang lahat ng naroroon,+Ang mabungang lupain at ang mga tumatahan doon.+
8 Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay;Sama-samang humiyaw nang may kagalakan ang mga bundok+
9 Sa harap ni Jehova, sapagkat dumarating siya upang hatulan ang lupa.+Hahatulan niya sa katuwiran+ ang mabungang lupainAt sa katapatan ang mga bayan.+

