Awit 38:1-22
Awitin ni David, upang magpaalaala.
38 O Jehova, huwag mo akong sawayin sa iyong galit,+Ni ituwid mo man ako sa iyong pagngangalit.+
2 Sapagkat ang iyong mga palaso ay bumaon nang malalim sa akin,+At ang iyong kamay ay bumaba sa akin.+
3 Walang bahaging malusog sa aking laman dahil sa iyong pagtuligsa.+Walang kapayapaan sa aking mga buto dahilan sa aking kasalanan.+
4 Sapagkat ang sarili kong mga kamalian ay dumaan sa ibabaw ng aking ulo;+Tulad ng mabigat na pasan ay napakabigat ng mga iyon para sa akin.+
5 Ang aking mga sugat ay bumaho, ang mga iyon ay nagnanaknak,Dahil sa aking kamangmangan.+
6 Ako ay nagulumihanan, ako ay napayukod nang lubusan;+Buong araw akong naglalakad na malungkot.+
7 Sapagkat ang akin mismong mga balakang ay nalipos ng pagkapaso,At walang bahaging malusog sa aking laman.+
8 Ako ay naging manhid at nasiil nang lubusan;Ako ay umungal dahil sa pagdaing ng aking puso.+
9 O Jehova, nasa harap mo ang aking buong pagnanasa,At mula sa iyo ay hindi nakubli ang aking pagbubuntunghininga.+
10 Ang aking puso ay tumibok nang mabilis, nilisan ako ng aking kalakasan,At ang liwanag din ng aking mga mata ay wala sa akin.+
11 Kung tungkol sa mga umiibig sa akin at sa aking mga kasamahan, nakatayo silang malayo sa aking salot,+At ang aking malalapit na kakilala ay nakatayo sa malayo.+
12 Ngunit yaong mga naghahanap sa aking kaluluwa ay naglalatag ng mga bitag,+At yaong mga gumagawa ng ikapapahamak ko ay nagsasalita ng mga kapighatian,+At mga panlilinlang ang lagi nilang ibinubulung-bulong buong araw.+
13 Kung tungkol sa akin, tulad ng isang bingi, hindi ako nakikinig;+At tulad ng isang pipi, hindi ko ibinubuka ang aking bibig.+
14 At ako ay naging tulad ng isang taong hindi makarinig,At sa aking bibig ay walang mga pangangatuwiran.
15 Sapagkat sa iyo, O Jehova, ako ay naghintay;+Ikaw ay sumagot, O Jehova na aking Diyos.+
16 Sapagkat sinabi ko: “Baka magsaya sila sa akin;+Kapag sumuray-suray ang aking paa,+ tiyak na lubha silang magpapalalo laban sa akin.”+
17 Sapagkat malapit na akong umika-ika,+At ang aking kirot ay laging nasa harap ko.+
18 Sapagkat inihayag ko ang tungkol sa aking kamalian;+Nagsimula akong mabalisa dahil sa aking kasalanan.+
19 At ang mga kaaway kong buháy ay naging malakas,+At ang mga napopoot sa akin nang walang dahilan ay dumami.+
20 At ginagantihan nila ako ng masama kapalit ng mabuti;+Lagi nila akong sinasalansang bilang ganti sa pagtataguyod ko ng mabuti.+
21 Huwag mo akong iwan, O Jehova.O Diyos ko, huwag kang lumayo sa akin.+
22 Magmadali ka sa pagtulong sa akin,+O Jehova na aking kaligtasan.+

