Awit 6:1-10
Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas sa mababang oktaba.+ Awitin ni David.
6 O Jehova, huwag mo akong sawayin sa iyong galit,+At sa iyong pagngangalit ay huwag mo akong ituwid.+
2 Pagpakitaan mo ako ng lingap, O Jehova, sapagkat ako ay naglalaho.+Pagalingin mo ako,+ O Jehova, sapagkat ang aking mga buto ay nangangatog.
3 Oo, ang aking kaluluwa ay lubhang naliligalig;+At ikaw, O Jehova—hanggang kailan?+
4 Bumalik ka,+ O Jehova, sagipin mo ang aking kaluluwa;+Iligtas mo ako alang-alang sa iyong maibiging-kabaitan.+
5 Sapagkat sa kamatayan ay walang pagbanggit sa iyo;+Sa Sheol ay sino ang pupuri sa iyo?+
6 Ako ay nanghimagod sa aking kabubuntunghininga;+Buong gabi ay pinalalangoy ko ang aking higaan;+Pinaaapawan ko ng aking mga luha ang aking kama.+
7 Dahil sa kaligaligan ay nanghihina ang aking mata,+Tumanda ito dahil sa lahat niyaong mga napopoot sa akin.+
8 Lumayo kayo sa akin, lahat kayong nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+Sapagkat tiyak na diringgin ni Jehova ang hibik ng aking pagtangis.+
9 Diringgin nga ni Jehova ang aking paghiling ng lingap;+Tatanggapin ni Jehova ang aking panalangin.+
10 Ang lahat ng aking kaaway ay lubhang mapapahiya+ at maliligalig;Uurong sila, bigla silang mapapahiya.+

