Awit 44:1-26
Sa tagapangasiwa. Ng mga anak ni Kora.+ Maskil.
44 O Diyos, narinig namin ng aming pandinig,Isinalaysay sa amin ng aming mga ninuno+Ang gawang isinagawa mo noong kanilang mga araw,+Noong mga araw ng sinaunang panahon.+
2 Sa pamamagitan ng iyong kamay ay pinalayas mo maging ang mga bansa,+At sa halip ay sila ang itinatag mo.+Winasak mo ang mga liping pambansa at itinaboy sila.+
3 Sapagkat hindi nila inari ang lupain sa pamamagitan ng sarili nilang tabak,+At hindi ang sarili nilang bisig ang nagdala sa kanila ng kaligtasan.+Kundi ang iyong kanang kamay at ang iyong bisig+ at ang liwanag ng iyong mukha,Dahil kinalugdan mo sila.+
4 Ikaw mismo ang aking Hari, O Diyos.+Mag-utos ka ng dakilang kaligtasan para sa Jacob.+
5 Sa pamamagitan mo ay itutulak namin ang aming mga kalaban;+Sa iyong pangalan ay yuyurakan namin yaong mga tumitindig laban sa amin.+
6 Sapagkat hindi sa aking busog ako nagtitiwala+At hindi ang aking tabak ang nagliligtas sa akin.+
7 Sapagkat iniligtas mo kami sa aming mga kalaban,+At yaong mga masidhing napopoot sa amin ay inilagay mo sa kahihiyan.+
8 Sa Diyos ay maghahandog kami ng papuri buong araw,+At hanggang sa panahong walang takda ay dadakilain namin ang iyong pangalan.+ Selah.
9 Ngunit ngayon ay itinatakwil mo at hinihiya kami,+At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.+
10 Pinauurong mo kaming lagi mula sa kalaban,+At ang mismong mga masidhing napopoot sa amin ay nanamsam para sa kanilang sarili.+
11 Ibinibigay mo kaming tulad ng mga tupa, na pinakapagkain,+At sa gitna ng mga bansa ay ipinangalat mo kami.+
12 Ipinagbibili mo ang iyong bayan na walang anumang kapalit na halaga,+At hindi ka nagpayaman sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 Ginagawa mo kaming kadustaan sa aming mga kapitbahay,+Isang kaalipustaan at kakutyaan sa mga nasa buong palibot namin.+
14 Ginagawa mo kaming isang kasabihan sa gitna ng mga bansa,+Isang pag-iling ng ulo sa gitna ng mga liping pambansa.+
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking pagkaaba,At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,+
16 Dahil sa tinig ng isa na nandurusta at nagsasalita nang may pang-aabuso,Dahil sa kaaway at sa kaniya na naghihiganti.+
17 Ang lahat ng ito ang sumapit sa amin, at hindi ka namin nilimot,+At hindi kami kumilos nang may kabulaanan sa iyong tipan.+
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod sa kawalang-pananampalataya,+Ni lumihis man ang aming mga yapak mula sa iyong landas.+
19 Sapagkat dinurog mo kami sa dako ng mga chakal,+At tinatakpan mo kami ng matinding karimlan.+
20 Kung nilimot namin ang pangalan ng aming Diyos,O iniuunat namin ang aming mga palad sa kakaibang diyos,+
21 Hindi ba ito sisiyasatin ng Diyos?+Sapagkat batid niya ang mga lihim ng puso.+
22 Ngunit dahil sa iyo ay pinapatay kami sa buong araw;Ibinibilang kaming gaya ng mga tupang papatayin.+
23 Bumangon ka. Bakit patuloy ka pang natutulog, O Jehova?+Gumising ka. Huwag kang magtakwil magpakailanman.+
24 Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha?Bakit mo nililimot ang aming kapighatian at ang paniniil sa amin?+
25 Sapagkat ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa mismong alabok;+Ang aming tiyan ay nakadikit sa mismong lupa.
26 Bumangon ka upang tumulong sa amin+At tubusin mo kami alang-alang sa iyong maibiging-kabaitan.+

