Awit 124:1-8

Awit ng mga Pagsampa. Ni David. 124  “Kung si Jehova ay hindi pumanig sa atin,”+Sabihin ngayon ng Israel,+  2  “Kung si Jehova ay hindi pumanig sa atin+Nang ang mga tao ay bumangon laban sa atin,+  3  Nilamon na sana nila tayong buháy,+Nang nagniningas ang kanilang galit laban sa atin.+  4  Tinangay na sana tayo ng tubig,+Dinaanan na sana ng malakas na agos ang ating kaluluwa.+  5  Dinaanan na sana ang ating kaluluwaNg tubig ng kapangahasan.+  6  Pagpalain nawa si Jehova, na hindi nagbigay sa atin+Bilang huli ng kanilang mga ngipin.+  7  Ang ating kaluluwa ay tulad ng ibong nakatakas+Mula sa bitag ng mga nagpapain.+Ang bitag ay nasira,+At tayo ay nakatakas.+  8  Ang tulong sa atin ay nasa pangalan ni Jehova,+Ang Maylikha ng langit at lupa.”+

Talababa