Awit 93:1-5

93  Si Jehova ay naging hari!+Nadaramtan siya ng karilagan;+Si Jehova ay nadaramtan—binigkisan niya ng kalakasan ang kaniyang sarili.+Ang mabungang lupain din ay natatatag nang matibay anupat hindi ito makikilos.+   Ang iyong trono ay matibay na nakatatag mula pa noong sinaunang panahon;+Ikaw ay mula pa noong panahong walang takda.+   Ang mga ilog ay naglakas, O Jehova,Ang mga ilog ay naglakas ng kanilang ugong;+Ang mga ilog ay patuloy na naglalakas ng kanilang dagundong.+   Higit sa mga ugong ng malalawak na tubig, ang mariringal na dumadaluyong na alon sa dagat,+Si Jehova ay maringal+ sa kaitaasan.   Ang iyong mga paalaala ay napatunayang lubhang mapagkakatiwalaan.+Ang kabanalan ay angkop sa iyong sariling bahay,+ O Jehova, sa kahabaan ng mga araw.+

Talababa