Awit 4:1-8

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas.+ Awitin ni David. 4  Kapag tumawag ako, sagutin mo ako, O aking matuwid na Diyos.+Sa kabagabagan ay maglaan ka ng maluwang na dako para sa akin.Pagpakitaan mo ako ng lingap+ at dinggin mo ang aking panalangin.  2  Kayong mga anak ng mga tao, hanggang kailan ba iinsultuhin ang aking kaluwalhatian,+Habang patuloy ninyong iniibig ang mga walang-katuturang bagay,Habang patuloy ninyong hinahangad na makasumpong ng kasinungalingan? Selah.  3  Kaya talastasin ninyo na talagang ibubukod ni Jehova ang kaniyang matapat;+Diringgin ni Jehova kapag tumawag ako sa kaniya.+  4  Maligalig kayo, ngunit huwag magkasala.+Magsalita kayo sa inyong puso, sa inyong higaan,+ at manahimik kayo. Selah.  5  Maghain kayo ng mga hain ng katuwiran,+At magtiwala kayo kay Jehova.+  6  Marami ang nagsasabi: “Sino ang magpapakita sa amin ng mabuti?”Pasinagin mo sa amin ang liwanag ng iyong mukha,+ O Jehova.  7  Tiyak na bibigyan mo ng kasayahan ang aking puso+Higit pa kaysa noong panahon na ang kanilang butil at ang kanilang bagong alak ay nananagana.+  8  Sa kapayapaan ay mahihiga ako at matutulog,+Sapagkat ikaw lamang, O Jehova, ang nagpapatahan sa akin nang tiwasay.+

Talababa