Awit 125:1-5
Awit ng mga Pagsampa.
125 Yaong mga nagtitiwala kay Jehova+Ay tulad ng Bundok Sion,+ na hindi makikilos, kundi tumatahan hanggang sa panahong walang takda.+
2 Ang Jerusalem—kung paanong napalilibutan ito ng mga bundok,+Gayon pinalilibutan ni Jehova ang kaniyang bayan+Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+
3 Sapagkat ang setro ng kabalakyutan ay hindi mananatili+ sa takdang bahagi ng mga matuwid,Upang huwag iunat ng mga matuwid ang kanilang kamay sa anumang paggawa ng masama.+
4 O gawan mo nawa ng mabuti, O Jehova, ang mabubuti,+Yaon ngang mga matuwid ang kanilang mga puso.+
5 Kung tungkol sa mga bumabaling sa kanilang mga likong daan,+Paaalisin sila ni Jehova na kasama ng mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+Magkakaroon ng kapayapaan sa Israel.+

