Awit 63:1-11

Awitin ni David, nang siya ay nasa ilang ng Juda.+ 63  O Diyos, ikaw ang aking Diyos, lagi kitang hinahanap.+Ang aking kaluluwa ay nauuhaw sa iyo.+Dahil sa iyo ay nanlulupaypay sa pananabik ang aking lamanSa isang lupaing tuyo at lupaypay, na walang tubig.+  2  Sa gayon ay namasdan kita sa dakong banal,+Sa pagkakita sa iyong lakas at sa iyong kaluwalhatian.+  3  Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mas mabuti kaysa sa buhay,+Papupurihan ka ng aking mga labi.+  4  Sa gayon ay pagpapalain kita sa buong buhay ko;+Sa iyong pangalan ay itataas ko ang aking mga palad.+  5  Waring sa pinakamainam na bahagi, sa katabaan nga, ay nabubusog ang aking kaluluwa,+At sa pamamagitan ng mga labi na may mga hiyaw ng kagalakan ay naghahandog ng papuri ang aking bibig.+  6  Kapag naaalaala kita sa aking higaan,+Sa mga pagbabantay sa gabi ay binubulay-bulay kita.+  7  Sapagkat ikaw ay naging tulong sa akin,+At sa lilim ng iyong mga pakpak ay humihiyaw ako nang may kagalakan.+  8  Ang aking kaluluwa ay maingat na sumunod sa iyo;+Sa akin ay nakahawak nang mahigpit ang iyong kanang kamay.+  9  Kung tungkol sa mga naghahanap sa aking kaluluwa upang ipahamak iyon,+Sila ay hahantong sa pinakamabababang bahagi ng lupa.+ 10  Sila ay ibibigay sa kapangyarihan ng tabak;+Sila ay magiging isang piraso lamang ng pagkain para sa mga sorra.+ 11  At ang hari ay magsasaya sa Diyos.+Ang bawat sumusumpa sa pamamagitan niya ay maghahambog,+Sapagkat ang bibig niyaong mga nagsasalita ng kabulaanan ay patitigilin.+

Talababa