Awit 115:1-18
115 Sa amin ay walang nauukol, O Jehova, sa amin ay walang nauukol,+Kundi ang magbigay ng kaluwalhatian sa iyong pangalan+Ayon sa iyong maibiging-kabaitan, ayon sa iyong katapatan.+
2 Bakit sasabihin ng mga bansa:+“Nasaan ngayon ang kanilang Diyos?”+
3 Ngunit ang aming Diyos ay nasa langit;+Ang lahat ng kinalugdan niyang gawin ay kaniyang ginawa.+
4 Ang kanilang mga idolo ay pilak at ginto,+Ang gawa ng mga kamay ng makalupang tao.+
5 May bibig sila, ngunit hindi sila makapagsalita;+May mga mata sila, ngunit hindi sila makakita;+
6 May mga tainga sila, ngunit hindi sila makarinig.+May ilong sila, ngunit hindi sila makaamoy.+
7 May mga kamay sila, ngunit hindi sila makahipo.+May mga paa sila, ngunit hindi sila makalakad;+Hindi makabigkas ng tinig ang kanilang lalamunan.+
8 Yaong mga gumagawa sa kanila ay magiging tulad nila,+Ang lahat ng nagtitiwala sa kanila.+
9 O Israel, magtiwala ka kay Jehova;+Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
10 O sambahayan ni Aaron, maglagak kayo ng tiwala kay Jehova;+Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
11 Kayong mga natatakot kay Jehova, magtiwala kayo kay Jehova;+Siya ang kanilang tulong at kanilang kalasag.+
12 Inaalaala tayo ni Jehova; pagpapalain niya,+Pagpapalain niya ang sambahayan ni Israel,+Pagpapalain niya ang sambahayan ni Aaron.+
13 Pagpapalain niya yaong mga may takot kay Jehova,+Ang maliliit at gayundin ang malalaki.+
14 Palalaguin kayo ni Jehova,+Kayo at ang inyong mga anak.+
15 Kayo ang mga pinagpala ni Jehova,+Ang Maylikha ng langit at lupa.+
16 Kung tungkol sa langit, ang langit ay kay Jehova,+Ngunit ang lupa ay ibinigay niya sa mga anak ng mga tao.+
17 Ang mga patay ay hindi pumupuri kay Jah,+Ni ang sinumang bumababa sa katahimikan.+
18 Ngunit kami ang mag-uukol ng pagpapala kay Jah+Mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda.+Purihin ninyo si Jah!+

