Awit 102:1-28
Panalangin ng napipighati sakaling manghina siya at ibuhos niya ang kaniyang pagkabahala sa harap ni Jehova.+
102 O Jehova, dinggin mo ang aking panalangin;+At dumating nawa sa iyo ang aking paghingi ng tulong.+
2 Huwag mong ikubli sa akin ang iyong mukha sa araw na ako ay nasa kagipitan.+Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig;+Sa araw na ako ay tumawag, magmadali ka, sagutin mo ako.+
3 Sapagkat ang aking mga araw ay sumapit sa kawakasan na parang usok,+At ang akin mismong mga buto ay nag-init na parang apuyan.+
4 Ang aking puso ay nasaktang tulad ng pananim at natuyo,+Sapagkat nalimutan kong kainin ang aking pagkain.+
5 Dahil sa lakas ng aking pagbubuntunghininga+Ang aking mga buto ay dumikit sa aking laman.+
6 Kahalintulad ako ng pelikano sa ilang.+Ako ay naging tulad ng munting kuwago sa mga tiwangwang na dako.
7 Ako ay namayat,At ako ay naging tulad ng ibong nag-iisa sa ibabaw ng bubong.+
8 Buong araw akong dinudusta ng aking mga kaaway.+Yaong mga nanloloko sa akin ay sumumpa pa man din sa pamamagitan ko.+
9 Sapagkat kinain kong parang tinapay ang abo;+At ang mga bagay na iniinom ko ay hinaluan ko ng pagtangis,+
10 Dahil sa iyong pagtuligsa at sa iyong galit;+Sapagkat ako ay binuhat mo, upang maitapon mo ako.+
11 Ang aking mga araw ay tulad ng aninong naglalaho,+At ako mismo ay natuyong tulad lamang ng pananim.+
12 Kung tungkol sa iyo, O Jehova, tatahan ka hanggang sa panahong walang takda,+At ang iyong pinakaalaala ay sa sali’t salinlahi.+
13 Ikaw mismo ay babangon, maaawa ka sa Sion,+Sapagkat kapanahunan nga ng pagiging mapagbiyaya sa kaniya,Sapagkat ang takdang panahon ay dumating na.+
14 Sapagkat ang iyong mga lingkod ay nakasumpong ng kaluguran sa kaniyang mga bato,+At sa kaniyang alabok ay itinutuon nila ang kanilang paglingap.+
15 At katatakutan ng mga bansa ang pangalan ni Jehova,+At ng lahat ng mga hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian.+
16 Sapagkat tiyak na itatayo ni Jehova ang Sion;+Magpapakita siya na nasa kaniyang kaluwalhatian.+
17 Babaling nga siya sa panalangin ng mga sinamsaman ng lahat ng bagay,+At hindi hahamakin ang kanilang panalangin.+
18 Ito ay nasusulat para sa darating na salinlahi;+At ang bayang lalalangin ay pupuri kay Jah.+
19 Sapagkat dumungaw siya mula sa kaniyang banal na kaitaasan,+Mula sa mismong langit ay tumingin si Jehova sa lupa,+
20 Upang dinggin ang pagbubuntunghininga ng bilanggo,+Upang kalagan yaong mga itinalaga sa kamatayan;+
21 Upang ang pangalan ni Jehova ay maipahayag sa Sion+At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem,+
22 Kapag ang mga bayan ay natitipong sama-sama,+At ang mga kaharian upang maglingkod kay Jehova.+
23 Sa daan ay pinanghina niya ang aking kalakasan,+Pinaikli niya ang aking mga araw.+
24 Sinabi ko: “O Diyos ko,Huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga araw;+Ang iyong mga taon ay sa lahat ng mga salinlahi.+
25 Noong sinaunang panahon ay inilatag mo ang mga pundasyon ng lupa,+At ang langit ay gawa ng iyong mga kamay.+
26 Sila ay maglalaho, ngunit ikaw ay mananatiling nakatayo;+At tulad ng isang kasuutan ay maluluma silang lahat.+Tulad ng pananamit ay papalitan mo sila, at matatapos ang kanilang kapanahunan.+
27 Ngunit ikaw ay gayon pa rin, at ang iyong sariling mga taon ay hindi matatapos.+
28 Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay patuloy na tatahan;+At sa harap mo ay matibay na matatatag ang kanilang supling.”+

