Awit 129:1-8

Awit ng mga Pagsampa. 129  “Matagal na rin silang napopoot sa akin mula pa sa aking pagkabata,”+Sabihin ngayon ng Israel,+  2  “Matagal na rin silang napopoot sa akin mula pa sa aking pagkabata;+Gayunma’y hindi sila nananaig sa akin.+  3  Ang mga mang-aararo ay nag-araro sa aking likod mismo;+Pinahaba nila ang kanilang mga tudling.”  4  Si Jehova ay matuwid.+Pinagputul-putol niya ang mga lubid ng mga balakyot.+  5  Mapapahiya sila at tatalikod,+Lahat ng napopoot sa Sion.+  6  Sila ay magiging tulad ng luntiang damo sa mga bubong,+Na bago pa ito bunutin ay natuyo na,+  7  Na hindi ipinupuno ng manggagapas sa kaniyang kamay,+Ni ng sinumang nagtitipon ng mga tungkos sa kaniyang dibdib.  8  Ni sinasabi man ng mga dumaraan:“Ang pagpapala ni Jehova ay sumainyo nawa.+Pinagpapala namin kayo sa pangalan ni Jehova.”+

Talababa