Awit 71:1-24
71 Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako.+O huwag nawa akong mapahiya kailanman.+
2 Sa iyong katuwiran ay hanguin mo nawa ako at paglaanan ako ng pagtakas.+Ikiling mo sa akin ang iyong pandinig at iligtas mo ako.+
3 Maging batong tanggulan ka sa akin na laging mapapasukan.+Mag-utos kang iligtas ako,+Sapagkat ikaw ang aking malaking bato at aking moog.+
4 O Diyos ko, paglaanan mo ako ng pagtakas mula sa kamay ng balakyot,+Mula sa palad niyaong kumikilos nang di-makatarungan at may paniniil.+
5 Sapagkat ikaw ang aking pag-asa,+ O Soberanong Panginoong Jehova, ang aking pinagtitiwalaan mula pa sa aking pagkabata.+
6 Sa iyo ako sumasandig mula pa sa tiyan;+Ikaw ang Isa na naghiwalay sa akin mula pa sa mga panloob na bahagi ng aking ina.+Laging nasa iyo ang aking papuri.+
7 Ako ay naging parang himala sa maraming tao;+Ngunit ikaw ang aking matibay na kanlungan.+
8 Ang aking bibig ay punô ng papuri sa iyo,+Ng iyong kagandahan buong araw.+
9 Huwag mo akong itakwil sa panahon ng katandaan;+Kapag nanghihina na ang aking kalakasan ay huwag mo akong iwan.+
10 Sapagkat sinasabi ng mga kaaway ko may kinalaman sa akin,+At ang mismong mga nagbabantay sa aking kaluluwa ay magkakasamang nagsasanggunian,+
11 Na nagsasabi: “Iniwan na siya ng Diyos.+Tugisin at hulihin siya, sapagkat walang tagapagligtas.”+
12 O Diyos, huwag kang lumayo sa akin.+O Diyos ko, magmadali ka sa pagtulong sa akin.+
13 Mapahiya nawa sila, sumapit nawa sila sa kanilang kawakasan,yaong mga sumasalansang sa aking kaluluwa.+Magtakip nawa ng kadustaan at kahihiyan yaong mga naghahangad ng aking kapahamakan.+
14 Ngunit kung tungkol sa akin, ako ay laging maghihintay,+At ako ay magdaragdag sa lahat ng iyong papuri.
15 Ang aking bibig ay magsasalaysay ng iyong katuwiran,+Ng iyong pagliligtas+ buong araw,Sapagkat hindi ko nalaman ang mga bilang ng mga iyon.+
16 Ako ay darating na may dakilang kalakasan,+ O Soberanong+ Panginoong Jehova;Isasaysay ko ang iyong katuwiran, ang iyo lamang.+
17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata,+At hanggang ngayon ay inihahayag ko ang tungkol sa iyong mga kamangha-manghang gawa.+
18 At maging hanggang sa katandaan at pagiging may-uban, O Diyos, huwag mo akong iwan,+Hanggang sa masabi ko sa salinlahi ang tungkol sa iyong bisig,+Sa kanilang lahat na darating, ang tungkol sa iyong kalakasan.+
19 Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+Kung tungkol sa mga dakilang bagay na iyong ginawa,+O Diyos, sino ang tulad mo?+
20 Sa dahilang nagpakita ka sa akin ng maraming kabagabagan at kapahamakan,+Buhayin mo nawa akong muli;+At mula sa matubig na mga kalaliman ng lupa ay iahon mo nawa akong muli.+
21 Palaguin mo nawa ang aking kadakilaan,+At palibutan mo nawa ako at aliwin.+
22 Pupurihin din kita sa panugtog na de-kuwerdas,+Kung tungkol sa iyong katapatan, O Diyos ko.+Tutugtog ako para sa iyo sa alpa, O Banal ng Israel.+
23 Ang aking mga labi ay hihiyaw nang may kagalakan kapag ibig kong umawit sa iyo,+Ang akin ngang kaluluwa na iyong tinubos.+
24 Gayundin, buong araw na sasalitain nang pabulong ng aking dila ang iyong katuwiran,+Sapagkat napahiya sila, sapagkat nalito sila, yaong mga naghahangad ng kapahamakan ko.+

