Awit 59:1-17
Sa tagapangasiwa. “Huwag kang magpahamak.” Ni David. Miktam. Nang magsugo si Saul, at binabantayan nila ang bahay, upang patayin siya.+
59 Iligtas mo ako mula sa aking mga kaaway, O Diyos ko;+Ipagsanggalang mo nawa ako mula sa mga bumabangon laban sa akin.+
2 Sagipin mo ako mula sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,+At iligtas mo ako mula sa mga taong may pagkakasala sa dugo.
3 Sapagkat, narito! inaabangan nila ang aking kaluluwa;+Dinadaluhong ako ng malalakas,+Hindi dahil sa aking pagsalansang, ni sa anumang kasalanan ko, O Jehova.+
4 Bagaman walang kamalian, tumatakbo sila at naghahanda.+Gumising ka sa aking pagtawag at tingnan mo.+
5 At ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, na Diyos ng Israel.+Gumising ka upang ibaling ang iyong pansin sa lahat ng mga bansa.+Huwag kang magpakita ng lingap sa sinumang mapanakit na mga traidor.+ Selah.
6 Lagi silang bumabalik sa kinagabihan;+Tumatahol silang gaya ng aso+ at lumilibot sa lunsod.+
7 Narito! Pinabubukal nila ang kanilang bibig;+Mga tabak ang nasa kanilang mga labi,+Sapagkat sino ang nakikinig?+
8 Ngunit pagtatawanan mo sila, O Jehova;+Ilalagay mo sa kaalipustaan ang lahat ng mga bansa.+
9 O aking Kalakasan, mananatili akong nagbabantay sa iyo;+Sapagkat ang Diyos ang aking matibay na kaitaasan.+
10 Ang Diyos ng maibiging-kabaitan sa akin ang siyang sasalubong sa akin;+Pangyayarihin ng Diyos na pagmasdan ko ang aking mga kagalit.+
11 Huwag mo silang patayin, upang ang aking bayan ay hindi makalimot.+Sa pamamagitan ng iyong kalakasan ay pagala-galain mo sila,+At ibagsak mo sila, O aming kalasag na si Jehova,+
12 Dahil sa kasalanan ng kanilang bibig, ang salita ng kanilang mga labi;+At mahuli nawa sila sa kanilang pagmamapuri,+Dahil nga sa pagsumpa at sa panlilinlang na kanilang inuulit-ulit.
13 Sa pagngangalit ay pasapitin mo sila sa kawakasan;+Pasapitin mo sila sa kawakasan, upang sila ay mawala;At malaman nawa nila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob hanggang sa mga dulo ng lupa.+ Selah.
14 At pabalikin mo nawa sila sa kinagabihan;Patahulin mo nawa silang gaya ng aso at palibutin mo sila sa lunsod.+
15 Pagala-galain mo nawa ang mga ito upang humanap ng makakain;+Huwag mo nawa silang busugin o patuluyin sa buong magdamag.+
16 Ngunit kung tungkol sa akin, ako ay aawit tungkol sa iyong kalakasan,+At sa umaga ay ipahahayag ko nang may kagalakan ang tungkol sa iyong maibiging-kabaitan.+Sapagkat ikaw ay naging isang matibay na kaitaasan para sa akin+At isang dakong matatakbuhan sa araw ng aking kabagabagan.+
17 O aking Kalakasan, sa iyo ay aawit ako,+Sapagkat ang Diyos ang aking matibay na kaitaasan, ang Diyos ng maibiging-kabaitan sa akin.+

