Awit 34:1-22
Ni David, noong panahon ng pagbabalatkayo niya ng kaniyang katinuan+ sa harap ni Abimelec, anupat pinalayas siya nito, at siya ay umalis.
א [Alep]
34 Pagpapalain ko si Jehova sa lahat ng panahon;+Ang papuri sa kaniya ay laging sasaaking bibig.+
ב [Bet]
2 Si Jehova ay ipaghahambog ng aking kaluluwa;+Maririnig ng maaamo at magsasaya sila.+
ג [Gimel]
3 O dakilain ninyong kasama ko si Jehova,+At itanyag nating sama-sama ang kaniyang pangalan.+
ד [Dalet]
4 Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako,+At mula sa lahat ng aking pagkatakot ay iniligtas niya ako.+
ה [He]
5 Sila ay tumingin sa kaniya at nagningning,+At ang kanilang mga mukha ay talagang hindi mapapahiya.+
ז [Zayin]
6 Ang napipighating ito ay tumawag, at dininig ni Jehova.+At mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan ay iniligtas Niya siya.+
ח [Ket]
7 Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya,+At inililigtas niya sila.+
ט [Tet]
8 Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti;+Maligaya ang matipunong lalaki na nanganganlong sa kaniya.+
י [Yod]
9 Matakot kayo kay Jehova, kayong mga banal niya,+Sapagkat walang kakulangan sa mga may takot sa kaniya.+
כ [Kap]
10 Ang mga may-kilíng na batang leon ay kinakapos at nagugutom;+Ngunit yaong mga humahanap kay Jehova, hindi sila kukulangin ng anumang bagay na mabuti.+
ל [Lamed]
11 Halikayo, kayong mga anak, makinig kayo sa akin;+Ang pagkatakot kay Jehova ang ituturo ko sa inyo.+
מ [Mem]
12 Sino ang taong nalulugod sa buhay,+Na umiibig sa sapat na dami ng mga araw upang makakita ng mabuti?+
נ [Nun]
13 Ingatan mo ang iyong dila laban sa kasamaan,+At ang iyong mga labi laban sa pagsasalita ng panlilinlang.+
ס [Samek]
14 Talikuran mo ang kasamaan, at gawin mo ang mabuti;+Hanapin mo ang kapayapaan, at itaguyod mo iyon.+
ע [Ayin]
15 Ang mga mata ni Jehova ay nakatingin sa mga matuwid,+At ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang paghingi ng tulong.+
פ [Pe]
16 Ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama,+Upang pawiin ang pagbanggit sa kanila mula sa mismong lupa.+
צ [Tsade]
17 Sila ay dumaing, at dininig ni Jehova,+At mula sa lahat ng kanilang mga kabagabagan ay iniligtas niya sila.+
ק [Kop]
18 Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso;+At yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya.+
ר [Res]
19 Marami ang mga kapahamakan ng matuwid,+Ngunit mula sa lahat ng mga iyon ay inililigtas siya ni Jehova.+
ש [Shin]
20 Binabantayan niya ang lahat ng mga buto ng isang iyon;Walang isa man sa mga iyon ang nabali.+
ת [Taw]
21 Papatayin ng kapahamakan ang balakyot;+At ang mga napopoot sa matuwid ay ituturing na may-sala.+
22 Tinutubos ni Jehova ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod;+At walang sinuman sa mga nanganganlong sa kaniya ang ituturing na may-sala.+

