Awit 25:1-22
Ni David.
א [Alep]
25 Sa iyo, O Jehova, ay itinataas ko ang akin mismong kaluluwa.+
ב [Bet]
2 O Diyos ko, sa iyo ako naglalagak ng aking tiwala;+O huwag nawa akong mapahiya.Huwag nawang magbunyi sa akin ang aking mga kaaway.+
ג [Gimel]
3 Gayundin, walang sinuman sa mga umaasa sa iyo ang mapapahiya.+Mapapahiya silang mga nakikitungo nang may kataksilan nang walang tagumpay.+
ד [Dalet]
4 Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O Jehova;+Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.+
ה [He]
5 Palakarin mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako,+Sapagkat ikaw ang aking Diyos ng kaligtasan.+
ו [Waw]Sa iyo ako umaasa buong araw.+
ז [Zayin]
6 Alalahanin mo ang iyong kaawaan,+ O Jehova, at ang iyong mga maibiging-kabaitan,+Sapagkat ang mga iyon ay mula pa noong panahong walang takda.+
ח [Ket]
7 Ang mga kasalanan ng aking kabataan at ang aking mga pagsalansang O huwag mong alalahanin.+Alalahanin mo ako ayon sa iyong maibiging-kabaitan,+Alang-alang sa iyong kabutihan, O Jehova.+
ט [Tet]
8 Mabuti at matuwid si Jehova.+Kaya naman tinuturuan niya ang mga makasalanan hinggil sa daan.+
י [Yod]
9 Palalakarin niya ang maaamo sa kaniyang hudisyal na pasiya,+At ituturo niya sa maaamo ang kaniyang daan.+
כ [Kap]
10 Ang lahat ng landas ni Jehova ay maibiging-kabaitan at katapatanPara sa mga tumutupad ng kaniyang tipan+ at ng kaniyang mga paalaala.+
ל [Lamed]
11 Alang-alang sa iyong pangalan, O Jehova,+Patawarin mo ang aking kamalian, sapagkat iyon ay mabigat.+
מ [Mem]
12 Sino nga ang taong natatakot kay Jehova?+Tuturuan niya siya hinggil sa daan na kaniyang pipiliin.+
נ [Nun]
13 Ang kaniyang kaluluwa ay manunuluyan sa kabutihan,+At aariin ng kaniyang supling ang lupa.+
ס [Samek]
14 Ang matalik na kaugnayan kay Jehova ay nauukol sa mga natatakot sa kaniya,+Gayundin ang kaniyang tipan, upang ipaalam iyon sa kanila.+
ע [Ayin]
15 Ang aking mga mata ay laging nakatuon kay Jehova,+Sapagkat siya ang naglalabas ng aking mga paa mula sa lambat.+
פ [Pe]
16 Iharap mo sa akin ang iyong mukha, at pagpakitaan mo ako ng lingap;+Sapagkat ako ay nag-iisa at napipighati.+
צ [Tsade]
17 Ang mga kabagabagan ng aking puso ay dumami;+Mula sa aking mga kaigtingan O ilabas mo ako.+
ר [Res]
18 Tingnan mo ang aking kapighatian at ang aking kabagabagan,+At pagpaumanhinan mo ang lahat ng aking mga kasalanan.+
19 Tingnan mo kung gaano na karami ang aking mga kaaway,+At napopoot sila sa akin ng marahas na pagkapoot.+
ש [Shin]
20 Bantayan mo ang aking kaluluwa at iligtas mo ako.+Huwag nawa akong mapahiya, sapagkat nanganganlong ako sa iyo.+
ת [Taw]
21 Ingatan nawa ako ng katapatan at katuwiran,+Sapagkat umaasa ako sa iyo.+
22 O Diyos, tubusin mo ang Israel mula sa lahat ng kaniyang mga kabagabagan.+

