Awit 36:1-12
Sa tagapangasiwa. Ng lingkod ni Jehova, si David.
36 Ang salitang may pagsalansang ng balakyot ay nasa loob ng kaniyang puso;+Walang panghihilakbot sa Diyos sa harap ng kaniyang mga mata.+
2 Sapagkat kumilos siya nang may labis na paghanga sa sarili sa kaniyang sariling paningin+Upang matuklasan ang kaniyang kamalian at kapootan iyon.+
3 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay pananakit at panlilinlang;+Nawalan na siya ng kaunawaan sa paggawa ng mabuti.+
4 Pananakit ang lagi niyang ipinapakana sa kaniyang higaan.+Lumalagay siya sa daang hindi mabuti.+Ang kasamaan ay hindi niya itinatakwil.+
5 O Jehova, ang iyong maibiging-kabaitan ay nasa langit;+Ang iyong katapatan ay hanggang sa mga ulap.+
6 Ang iyong katuwiran ay tulad ng mga bundok ng Diyos;+Ang iyong hudisyal na pasiya ay isang malawak na matubig na kalaliman.+Ang tao at hayop ay inililigtas mo, O Jehova.+
7 Napakahalaga ng iyong maibiging-kabaitan, O Diyos!+At sa lilim ng iyong mga pakpak ay nanganganlong ang mga anak ng mga tao.+
8 Iniinom nila ang katabaan ng iyong bahay hanggang sa mabusog sila;+At sa ilog ng iyong mga kaluguran ay pinaiinom mo sila.+
9 Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay;+Sa pamamagitan ng iyong liwanag ay nakakakita kami ng liwanag.+
10 Panatilihin mo ang iyong maibiging-kabaitan sa mga nakakakilala sa iyo,+At ang iyong katuwiran sa mga matapat ang puso.+
11 O huwag nawang dumating laban sa akin ang paa ng kapalaluan;+Kung tungkol sa kamay ng mga taong balakyot, huwag nawa akong gawing palaboy nito.+
12 Doon nabuwal ang mga nagsasagawa ng nakasasakit;+Sila ay inilugmok at hindi na makabangon.+

