Awit 101:1-8
Ni David. Isang awitin.
101 Aawit ako tungkol sa maibiging-kabaitan at kahatulan.+Sa iyo, O Jehova, ay aawit ako ng papuri.+
2 Kikilos ako nang may katalinuhan sa paraang walang pagkukulang.+Kailan ka paririto sa akin?+Ako ay lalakad sa loob ng aking bahay taglay ang katapatan ng aking puso.+
3 Hindi ako maglalagay sa harap ng aking mga mata ng anumang walang-kabuluhang bagay.+Ang gawain ng mga humihiwalay ay kinapopootan ko;+Hindi iyon kumakapit sa akin.+
4 Ang pusong liko ay humihiwalay sa akin;+Wala akong nalalamang anumang masama.+
5 Ang sinumang lihim na naninirang-puri sa kaniyang kasamahan,+Siya ay pinatatahimik ko.+Ang sinumang may mga palalong mata at may mapagmataas na puso,+Siya ay hindi ko mababata.+
6 Ang aking mga mata ay nakatingin sa mga tapat na nasa lupa,+Upang manahanan silang kasama ko.+Ang lumalakad sa paraang walang pagkukulang,+Siya ang maglilingkod sa akin.+
7 Walang manggagawa ng pandaraya+ ang mananahanan sa loob ng aking bahay.Kung tungkol sa sinumang nagsasalita ng mga kabulaanan, hindi siya matibay na matatatag+Sa harap ng aking mga mata.+
8 Tuwing umaga ay patatahimikin ko ang lahat ng balakyot sa lupa,+Upang lipulin mula sa lunsod+ ni Jehova ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit.+

