Awit 126:1-6
Awit ng mga Pagsampa.
126 Nang muling tipunin ni Jehova ang mga nabihag sa Sion,+Tayo ay naging tulad niyaong mga nananaginip.+
2 Nang panahong iyon ay napuno ng pagtawa ang ating bibig,+At ng hiyaw ng kagalakan ang ating dila.+
Nang panahong iyon ay sinabi nila sa gitna ng mga bansa:+“Si Jehova ay gumawa ng dakilang bagay sa ginawa niya sa kanila.”+
3 Si Jehova ay gumawa ng dakilang bagay sa ginawa niya sa atin.+Tayo ay nagalak.+
4 Tipunin mong muli, O Jehova, ang aming pangkat ng mga bihag,+Na tulad ng mga batis sa Negeb.+
5 Yaong mga naghahasik ng binhi na may mga luha+Ay gagapas na may hiyaw ng kagalakan.+
6 Siya na walang pagsalang yumayaon, na tumatangis pa man din,+Na may dala-dalang isang supot ng binhi,+Ay walang pagsalang papasok na may hiyaw ng kagalakan,+Na dala-dala ang kaniyang mga tungkos.+

