Awit 103:1-22
Ni David.
103 Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko,+Maging ng lahat ng nasa loob ko, ang kaniyang banal na pangalan.+
2 Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko,At huwag mong limutin ang lahat ng kaniyang ginagawa,+
3 Siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong kamalian,+Siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong karamdaman,+
4 Siyang bumabawi ng iyong buhay mula sa hukay mismo,+Siyang nagpuputong sa iyo ng maibiging-kabaitan at kaawaan,+
5 Siyang bumubusog sa iyong buong buhay ng bagay na mabuti;+Ang iyong kabataan ay patuloy na nababagong tulad ng sa agila.+
6 Si Jehova ay naglalapat ng mga gawang katuwiran+At ng mga hudisyal na pasiya para sa lahat ng mga dinadaya.+
7 Ipinaalam niya ang kaniyang mga daan kay Moises,+Ang kaniyang mga pakikitungo sa mga anak ni Israel.+
8 Si Jehova ay maawain at magandang-loob,+Mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan.+
9 Hindi siya habang panahong maghahanap ng kamalian,+Ni maghihinanakit man siya hanggang sa panahong walang takda.+
10 Hindi pa niya ginawa sa atin ang ayon nga sa ating mga kasalanan;+Ni pinasapitan man niya tayo ng nararapat sa atin ayon sa ating mga kamalian.+
11 Sapagkat kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa sa lupa,+Ang kaniyang maibiging-kabaitan ay nakahihigit para sa mga may takot sa kaniya.+
12 Kung gaano kalayo ang sikatan ng araw sa lubugan ng araw,+Gayon kalayo niya inilalagay mula sa atin ang ating mga pagsalansang.+
13 Kung paanong nagpapakita ng awa ang ama sa kaniyang mga anak,+Si Jehova ay nagpapakita ng awa sa mga may takot sa kaniya.+
14 Sapagkat nalalaman niyang lubos ang kaanyuan natin,+Na inaalaalang tayo ay alabok.+
15 Kung tungkol sa taong mortal, ang kaniyang mga araw ay tulad ng sa luntiang damo;+Namumukadkad siyang tulad ng bulaklak sa parang.+
16 Sapagkat hangin lamang ang dumaan dito, at ito ay wala na;+At hindi na ito kikilalanin pa ng kaniyang dako.+
17 Ngunit ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay mula sa panahong walang takda at maging hanggang sa panahong walang takda+Sa mga may takot sa kaniya,+At ang kaniyang katuwiran hanggang sa mga anak ng mga anak,+
18 Sa mga nag-iingat ng kaniyang tipan+At sa mga umaalaala ng kaniyang mga pag-uutos upang isagawa ang mga ito.+
19 Itinatag ni Jehova nang matibay ang kaniyang trono sa mismong langit;+At ang kaniyang paghahari ay nagpupuno sa lahat.+
20 Pagpalain ninyo si Jehova, O ninyong mga anghel+ niya,makapangyarihan sa kalakasan, na tumutupad ng kaniyang salita,+Sa pakikinig sa tinig ng kaniyang salita.+
21 Pagpalain ninyo si Jehova, ninyong lahat na mga hukbo niya,+Ninyong mga lingkod niya, na gumagawa ng kaniyang kalooban.+
22 Pagpalain ninyo si Jehova, ninyong lahat na mga gawa niya,+Sa lahat ng dakong kaniyang pinamumunuan.+Pagpalain mo si Jehova, O kaluluwa ko.+

