Awit 142:1-7
Maskil. Ni David, nang siya ay nasa yungib.+ Isang panalangin.
142 Sa pamamagitan ng aking tinig ay humingi ako ng saklolo kay Jehova;+Sa pamamagitan ng aking tinig ay humiling ako ng lingap kay Jehova.+
2 Sa harap niya ay patuloy kong ibinuhos ang aking pagkabahala;+Sa harap niya ay patuloy kong isinaysay ang tungkol sa aking kabagabagan,+
3 Nang ang aking espiritu+ ay manlupaypay sa loob ko.Sa gayon ay nalaman mo ang aking daan.+Sa landas na nilalakaran ko+Ay nagtago sila ng bitag para sa akin.+
4 Tumingin ka sa kanan at masdan moNa walang sinumang kumikilala sa akin.+Ang aking dakong matatakasan ay naglaho sa akin;+Walang sinumang humahanap sa aking kaluluwa.+
5 Humingi ako sa iyo ng saklolo, O Jehova.+Sinabi ko: “Ikaw ang aking kanlungan,+Ang aking bahagi+ sa lupain ng mga buháy.”+
6 Bigyang-pansin mo ang aking pagsusumamo,+Sapagkat ako ay lubhang naghihikahos.+Iligtas mo ako mula sa mga nang-uusig sa akin,+Sapagkat mas malalakas sila kaysa sa akin.+
7 Ilabas mo ang aking kaluluwa mula sa bartolina+Upang purihin ang iyong pangalan.+Matipon nawa sa palibot ko ang mga matuwid,+Sapagkat nakikitungo ka sa akin nang may kawastuan.+

