Awit 140:1-13
Para sa tagapangasiwa. Awitin ni David.
140 Iligtas mo ako, O Jehova, mula sa masasamang tao;+Bantayan mo nawa ako mula sa taong may mga gawang karahasan,+
2 Yaong mga nagpapakana ng masasamang bagay sa kanilang puso,+Na buong araw ay nandadaluhong gaya ng sa mga digmaan.+
3 Pinatalas nila ang kanilang dila na tulad ng sa serpiyente;+Ang kamandag ng may-sungay na ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.+ Selah.
4 Ingatan mo ako, O Jehova, mula sa mga kamay ng balakyot;+Bantayan mo nawa ako mula sa taong may mga gawang karahasan,+Yaong mga nagpakanang itulak ang aking mga hakbang.+
5 Ang mga palalo ay nagtago ng isang bitag para sa akin;+At naglatag sila ng mga lubid bilang lambat sa tabi ng landas.+Naglagay sila ng mga silo para sa akin.+ Selah.
6 Sinabi ko kay Jehova: “Ikaw ang aking Diyos.+Dinggin mo, O Jehova, ang tinig ng aking mga pamamanhik.”+
7 O Jehova na Soberanong Panginoon,+ na lakas ng aking kaligtasan,+Nililiman mo ang aking ulo sa araw ng hukbong sandatahan.+
8 Huwag mong ipagkaloob, O Jehova, ang mga paghahangad ng balakyot.+Huwag mong itaguyod ang kaniyang pakana, upang hindi sila magmalaki.+ Selah.
9 Kung tungkol sa mga ulo ng mga pumapalibot sa akin,+Takpan nawa sila ng kabagabagan ng kanilang sariling mga labi.+
10 Hulugan nawa sila ng nagniningas na mga baga.+Pabagsakin nawa sila sa apoy,+ sa mga hukay na may tubig, upang hindi na sila makabangon pa.+
11 Ang mapagsalita nang labis—huwag nawa siyang matatag nang matibay sa lupa.+Ang taong marahas—hanapin nawa siya ng kasamaan nang may paulit-ulit na ulos.+
12 Nalalaman kong lubos na ilalapat ni Jehova+Ang pag-aangkin sa batas ng napipighati, ang kahatulan sa mga dukha.+
13 Walang pagsalang ang mga matuwid ay magpapasalamat sa iyong pangalan;+Ang mga matapat ay mananahanan sa harap ng iyong mukha.+

