Awit 61:1-8

Sa tagapangasiwa ng mga panugtog na de-kuwerdas. Ni David. 61  Dinggin mo, O Diyos, ang aking pagsusumamo.+Bigyang-pansin mo ang aking panalangin.+  2  Mula sa dulo ng lupa ay sisigaw ako, sa iyo nga, kapag nanghina ang aking puso.+Patnubayan mo nawa ako sa ibabaw ng bato na mas mataas kaysa sa akin.+  3  Sapagkat ikaw ay naging isang kanlungan para sa akin,+Isang matibay na tore sa harap ng kaaway.+  4  Ako ay magiging panauhin sa iyong tolda hanggang sa mga panahong walang takda;+Manganganlong ako sa kublihan ng iyong mga pakpak.+ Selah.  5  Sapagkat ikaw, O Diyos, ay nakinig sa aking mga panata.+Ibinigay mo sa akin ang pag-aari niyaong mga may takot sa iyong pangalan.+  6  Mga araw ay idaragdag mo sa mga araw ng hari;+Ang kaniyang mga taon ay magiging tulad ng sali’t salinlahi.+  7  Mananahanan siya hanggang sa panahong walang takda sa harap ng Diyos;+O mag-atas ka ng maibiging-kabaitan at katapatan, upang maingatan siya ng mga ito.+  8  Kaya aawit ako sa iyong pangalan magpakailanman,+Upang matupad ko ang aking mga panata sa araw-araw.+

Talababa