Awit 13:1-6

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. 13  Hanggang kailan mo ako kalilimutan, O Jehova?+ Magpakailanman ba?+Hanggang kailan mo ikukubli ang iyong mukha mula sa akin?+  2  Hanggang kailan ako magtatakda ng pagpigil sa aking kaluluwa,Ng pamimighati sa aking puso kung araw?Hanggang kailan magmamataas sa akin ang aking kaaway?+  3  Tumingin ka sa akin; sagutin mo ako, O Jehova na aking Diyos.Paningningin mo ang aking mga mata,+ upang hindi ako matulog sa kamatayan,+  4  Upang huwag sabihin ng aking kaaway: “Nagwagi ako sa kaniya!”Upang huwag magalak ang aking mga kalaban sa dahilang ako ay napasuray.+  5  Sa ganang akin, nagtiwala ako sa iyong maibiging-kabaitan;+Magalak nawa ang aking puso sa iyong pagliligtas.+  6  Aawit ako kay Jehova, sapagkat ginawan niya ako ng mabuti.+

Talababa