Awit 108:1-13
Isang awit. Awitin ni David.
108 Ang aking puso ay matatag, O Diyos.+Ako ay aawit at aawit ng papuri,+Ang akin ngang kaluwalhatian.+
2 Gumising ka, O panugtog na de-kuwerdas; ikaw rin, O alpa.+Gigisingin ko ang bukang-liwayway.+
3 Pupurihin kita sa gitna ng mga bayan, O Jehova;+At aawit ako sa iyo sa gitna ng mga liping pambansa.+
4 Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay dakila hanggang sa langit,+At ang iyong katapatan ay hanggang sa kalangitan.+
5 O maging dakila ka nawa sa ibabaw ng langit, O Diyos;+At mapasaibabaw nawa ng buong lupa ang iyong kaluwalhatian.+
6 Upang ang iyong mga minamahal ay masagip,+O magligtas ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay at sagutin mo ako.+
7 Ang Diyos ay nagsalita sa kaniyang kabanalan:+“Ako ay magbubunyi, ibibigay ko ang Sikem+ bilang isang bahagi;+At ang mababang kapatagan ng Sucot+ ay susukatin ko.
8 Ang Gilead+ ay sa akin; ang Manases+ ay sa akin;At ang Efraim ay tanggulan ng aking pangulo;+Ang Juda ay aking baston ng kumandante.+
9 Ang Moab+ ay aking hugasan.+Sa Edom+ ay ihahagis ko ang aking sandalyas.+Sa Filistia+ ay may-pagbubunyi akong sisigaw.”+
10 Sino ang magdadala sa akin sa nakukutaang lunsod?+Sino nga ba ang papatnubay sa akin hanggang sa Edom?+
11 Hindi ba ikaw, O Diyos, na siyang nagtakwil sa amin+At siyang hindi lumalabas na kasama ng aming mga hukbo bilang Diyos?+
12 Tulungan mo kami mula sa kabagabagan,+Sapagkat ang pagliligtas ng makalupang tao ay walang kabuluhan.+
13 Mula sa Diyos ay magtatamo kami ng kalakasan,+At siya ang yuyurak sa aming mga kalaban.+

