Awit 37:1-40
Ni David.
א [Alep]
37 Huwag kang mag-init dahil sa mga manggagawa ng kasamaan.+Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan.+
2 Sapagkat gaya ng damo ay mabilis silang malalanta,+At gaya ng luntiang bagong damo ay maglalaho sila.+
ב [Bet]
3 Magtiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti;+Tumahan ka sa lupa, at makitungo ka nang may katapatan.+
4 Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova,+At ibibigay niya sa iyo ang mga kahilingan ng iyong puso.+
ג [Gimel]
5 Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad,+At manalig ka sa kaniya,+ at siya mismo ang kikilos.+
6 At tiyak na palalabasin niyang gaya ng liwanag ang iyong katuwiran,+At ang iyong katarungan na gaya ng katanghaliang tapat.+
ד [Dalet]
7 Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova+At hintayin mo siya nang may pananabik.+Huwag kang mag-init sa sinumang nagtatagumpay sa kaniyang lakad,+Sa taong nagsasagawa ng kaniyang mga kaisipan.+
ה [He]
8 Iwasan mo ang galit at iwanan mo ang pagngangalit;+Huwag kang mag-init na hahantong lamang sa paggawa ng masama.+
9 Sapagkat ang mga manggagawa ng kasamaan ay lilipulin,+Ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ang siyang magmamay-ari ng lupa.+
ו [Waw]
10 At kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na;+At pagtutuunan mo nga ng pansin ang kaniyang dako, at siya ay mawawala na.+
11 Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa,+At makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.+
ז [Zayin]
12 Ang balakyot ay nagpapakana laban sa matuwid,+At laban sa kaniya ay pinagngangalit niya ang kaniyang mga ngipin.+
13 Pagtatawanan siya ni Jehova,+Sapagkat nakikita nga niyang darating ang kaniyang araw.+
ח [Ket]
14 Ang mga balakyot ay humugot ng tabak at naghutok ng kanilang busog,+Upang ibuwal ang napipighati at ang dukha,+Upang pagpapatayin ang mga matuwid sa kanilang lakad.+
15 Sarili nilang tabak ang sasaksak sa kanilang puso,+At ang sarili nilang mga busog ay mababali.+
ט [Tet]
16 Mas mabuti ang kaunti ng matuwid+Kaysa sa kasaganaan ng maraming balakyot.+
17 Sapagkat ang mismong mga bisig ng mga balakyot ay mababali,+Ngunit aalalayan ni Jehova ang mga matuwid.+
י [Yod]
18 Batid ni Jehova ang mga araw ng mga walang pagkukulang,+At ang kanila mismong mana ay mananatili maging hanggang sa panahong walang takda.+
19 Hindi sila mapapahiya sa panahon ng kapahamakan,+At sa mga araw ng taggutom ay mabubusog sila.+
כ [Kap]
20 Sapagkat ang mga balakyot ay maglalaho,+At ang mga kaaway ni Jehova ay magiging gaya ng mahalagang bahagi ng mga pastulan;Sasapit sila sa kanilang kawakasan.+ Sa usok ay sasapit sila sa kanilang kawakasan.+
ל [Lamed]
21 Ang balakyot ay nanghihiram at hindi nagbabayad,+Ngunit ang matuwid ay nagpapakita ng lingap at nagbibigay ng mga kaloob.+
22 Sapagkat ang mga pinagpapala niya ang siyang magmamay-ari ng lupa,+Ngunit ang mga isinusumpa niya ay lilipulin.+
מ [Mem]
23 Dahil kay Jehova ay naihahanda ang mga hakbang ng matipunong lalaki,+At ang kaniyang lakad ay kinalulugdan Niya.+
24 Bagaman siya ay mabuwal, hindi siya babagsak,+Sapagkat inaalalayan ni Jehova ang kaniyang kamay.+
נ [Nun]
25 Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin,+Gayunma’y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan,+Ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay.+
26 Buong maghapon siyang nagpapakita ng lingap at nagpapahiram,+Kung kaya ang kaniyang supling ay tatanggap ng pagpapala.+
ס [Samek]
27 Talikuran mo ang masama at gawin mo ang mabuti,+Sa gayon ay tatahan ka hanggang sa panahong walang takda.+
28 Sapagkat si Jehova ay maibigin sa katarungan,+At hindi niya iiwan ang kaniyang mga matapat.+
ע [Ayin]
Hanggang sa panahong walang takda ay tiyak na babantayan sila;+Ngunit kung tungkol sa supling ng mga balakyot, sila ay tiyak na lilipulin.+
29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa,+At tatahan sila roon magpakailanman.+
פ [Pe]
30 Ang bibig ng matuwid ang siyang pabulong na nagsasalita ng karunungan,+At kaniya ang dila na nagsasalita nang makatarungan.+
31 Ang kautusan ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso;+Ang kaniyang mga hakbang ay hindi susuray.+
צ [Tsade]
32 Ang balakyot ay laging nag-aabang sa matuwid+At nagtatangkang patayin siya.+
33 Kung tungkol kay Jehova, hindi niya siya iiwan sa kamay ng isang iyon,+At hindi niya siya aariing balakyot kapag siya ay hinahatulan.+
ק [Kop]
34 Umasa ka kay Jehova at ingatan mo ang kaniyang daan,+At itataas ka niya upang magmay-ari ng lupa.+Kapag nilipol ang mga balakyot, makikita mo iyon.+
ר [Res]
35 Nakita ko ang balakyot na isang maniniil+At nag-uunat ng kaniyang sarili gaya ng mayabong na punungkahoy sa tinubuang lupa.+
36 Gayunma’y lumipas siya, at wala na siya;+At pinaghahanap ko siya, at hindi siya nasumpungan.+
ש [Shin]
37 Masdan mo ang walang kapintasan at tingnan mo ang matuwid,+Sapagkat ang kinabukasan ng taong iyon ay magiging mapayapa.+
38 Ngunit ang mga mananalansang ay tiyak na pupuksaing sama-sama;+Ang kinabukasan ng mga taong balakyot ay talagang mapuputol.+
ת [Taw]
39 At ang kaligtasan ng mga matuwid ay mula kay Jehova;+Siya ang kanilang tanggulan sa panahon ng kabagabagan.+
40 At tutulungan sila ni Jehova at paglalaanan sila ng pagtakas.+Paglalaanan niya sila ng pagtakas mula sa mga taong balakyot at ililigtas sila,+Sapagkat nanganganlong sila sa kaniya.+

