Awit 39:1-13

Sa tagapangasiwa ng Jedutun.+ Awitin ni David. 39  Sinabi ko: “Babantayan ko ang aking mga lakad+Upang huwag akong magkasala sa pamamagitan ng aking dila.+Maglalagay ako ng busal bilang bantay sa aking bibig,+Hangga’t may sinumang balakyot sa harap ko.”+   Ako ay napipi sa pagtahimik;+Ako ay tumahimik tungkol sa kung ano ang mabuti,+At ang aking kirot ay isinumpa.   Ang aking puso ay nag-init sa loob ko;+Habang ako ay nagbubuntunghininga ay patuloy na nagniningas ang apoy.Nagsalita ako sa pamamagitan ng aking dila:   “Ipaalam mo sa akin, O Jehova, ang aking wakas,+At ang sukat ng aking mga araw—kung ano ito,+Upang malaman ko kung paanong ako ay panandalian lamang.+   Narito! Ginawa mong kaunti lamang ang aking mga araw;+At ang lawig ng aking buhay ay tila walang anuman sa harap mo.+Tunay na ang bawat makalupang tao, bagaman nakatayong matatag, ay isang singaw lamang.+ Selah.   Tunay na parang guniguning lumalakad ang tao.+Tunay na nababagabag sila nang walang kabuluhan.+Ang isa ay nag-iimbak ng mga bagay at hindi niya alam kung sino ang kukuha ng mga iyon.+   At ngayon ay ano ang inaasahan ko, O Jehova?Ang aking paghihintay ay sa iyo.+   Mula sa lahat ng aking mga pagsalansang ay iligtas mo ako.+Huwag mo akong gawing pandurusta ng hangal.+   Nanatili akong di-makapagsalita;+ hindi ko maibuka ang aking bibig,+Sapagkat ikaw mismo ang kumilos.+ 10  Alisin mo sa akin ang iyong salot.+Dahil sa pagkapoot ng iyong kamay ay sumapit ako sa kawakasan.+ 11  Sa pamamagitan ng mga pagsaway laban sa kamalian ay itinuwid mo ang tao,+At nilalamon mo ang kaniyang mga kanais-nais na bagay gaya ng ginagawa ng tangà.+Tunay na ang bawat makalupang tao ay isang singaw.+ Selah. 12  Dinggin mo ang aking panalangin, O Jehova,At ang aking paghingi ng tulong ay pakinggan mo.+Huwag kang manatiling tahimik sa aking mga luha.+Sapagkat isa lamang akong dayuhan na nakikipanirahan sa iyo,+Isang nakikipamayang tulad ng lahat ng aking mga ninuno.+ 13  Alisin mo sa akin ang iyong tingin, upang ako ay umaliwalas+Bago ako umalis at ako ay mawala.”+

Talababa