Awit 139:1-24
Para sa tagapangasiwa. Ni David. Isang awitin.
139 O Jehova, siniyasat mo ako, at kilala mo ako.+
2 Nalalaman mo rin ang aking pag-upo at ang aking pagtayo.+Isinaalang-alang mo ang aking kaisipan mula sa malayo.+
3 Ang aking paglalakbay at ang aking paghigang nakaunat ay sinukat mo,+At naging pamilyar ka sa lahat nga ng aking mga lakad.+
4 Sapagkat wala pa mang salita sa aking dila,+Ngunit, narito! O Jehova, alam mo nang lahat iyon.+
5 Sa likuran at sa harap, kinubkob mo ako;At ipinatong mo sa akin ang iyong kamay.
6 Ang gayong kaalaman ay lubhang kamangha-mangha para sa akin.+Napakataas niyaon anupat hindi ko maabot.+
7 Saan ako makaparoroon mula sa iyong espiritu,+At saan ako makatatakbo mula sa iyong mukha?+
8 Kung aakyat ako sa langit, naroon ka;+At kung ilalatag ko ang aking higaan sa Sheol, narito! ikaw ay doroon.+
9 Kung kukunin ko ang mga pakpak+ ng bukang-liwayway,Upang makatahan ako sa kalayu-layuang dagat,+
10 Doon din ay papatnubayan ako ng iyong kamay+At ang iyong kanang kamay ay hahawak sa akin.+
11 At kung sasabihin ko: “Tiyak na mabilis akong aagawin ng kadiliman!”+Ang gabi nga ay magiging liwanag sa palibot ko.+
12 Maging ang kadiliman ay hindi magiging napakadilim sa iyo,+Kundi ang gabi ay magliliwanag na gaya ng araw;+Ang kadiliman ay para na ring liwanag.+
13 Sapagkat ikaw mismo ang gumawa ng aking mga bato;+Iningatan mo akong natatabingan sa tiyan ng aking ina.+
14 Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin.+Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha,+Gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.+
15 Ang aking mga buto ay hindi nakubli sa iyo+Nang ako ay ginawa sa lihim,+Nang ako ay hinabi sa pinakamabababang bahagi+ ng lupa.
16 Nakita ng iyong mga mata maging ang aking pagkabinhi,+At sa iyong aklat ay nakatala ang lahat ng bahagi nito,Tungkol sa mga araw nang bigyang-anyo ang mga iyon+At wala pa ni isa man sa kanila.
17 Kaya sa akin ay pagkahala-halaga ng iyong mga kaisipan!+O Diyos, pagkarami-rami ng hustong kabuuan ng mga iyon!+
18 Kung susubukan kong bilangin, ang mga iyon ay mas marami pa kaysa sa mga butil ng buhangin.+Nagising ako, at kasama pa rin kita.+
19 O kung pinatay mo na sana ang balakyot, O Diyos!+Kung magkagayon ay tiyak na hihiwalay sa akin ang mga taong may pagkakasala sa dugo,+
20 Na nagsasabi ng mga bagay tungkol sa iyo ayon sa kanilang kaisipan;+Ginagamit nila ang iyong pangalan sa walang-kabuluhang paraan+—ng iyong mga kalaban.+
21 Hindi ko ba kinapopootan yaong mga masidhing napopoot sa iyo, O Jehova,+At hindi ba ako naririmarim sa mga sumasalansang sa iyo?+
22 Napopoot ako sa kanila taglay ang ganap na pagkapoot.+Sila ay naging tunay na mga kaaway ko.+
23 Siyasatin mo ako, O Diyos, at kilalanin mo ang aking puso.+Suriin mo ako, at alamin mo ang aking mga nakababalisang kaisipan,+
24 At tingnan mo kung sa akin ay may anumang nakasasakit na lakad,+At patnubayan mo ako sa daan+ ng panahong walang takda.

