Awit 112:1-10
112 Purihin ninyo si Jah!+א [Alep]Maligaya ang taong natatakot kay Jehova,+ב [Bet]Na sa kaniyang mga utos+ ay lubha siyang nalulugod.+
ג [Gimel]
2 Magiging makapangyarihan sa lupa ang kaniyang supling.+ד [Dalet]Kung tungkol sa salinlahi ng mga matuwid, iyon ay pagpapalain.+
ה [He]
3 Mahahalagang pag-aari at kayamanan ay nasa kaniyang bahay;+ו [Waw]At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.+
ז [Zayin]
4 Suminag siya sa kadiliman bilang liwanag sa mga matuwid.+ח [Ket]Siya ay magandang-loob at maawain at matuwid.+
ט [Tet]
5 Ang taong magandang-loob+ at nagpapahiram+ ay mabuti.י [Yod]Inaalalayan niya ng katarungan ang kaniyang mga gawain.+
כ [Kap]
6 Sapagkat hindi siya kailanman makikilos.+ל [Lamed]Ang matuwid ay aalalahanin hanggang sa panahong walang takda.+
מ [Mem]
7 Hindi siya matatakot kahit sa masamang balita.+נ [Nun]Ang kaniyang puso ay matatag,+ na nananalig kay Jehova.+
ס [Samek]
8 Ang kaniyang puso ay di-natitinag;+ hindi siya matatakot,+ע [Ayin]Hanggang sa pagmasdan niya ang kaniyang mga kalaban.+
פ [Pe]
9 Namahagi siya nang malawakan; namigay siya sa mga dukha.+צ [Tsade]Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailanman.+ק [Kop]Ang kaniyang sungay ay itataas na may kaluwalhatian.+
ר [Res]
10 Makikita ng balakyot at tiyak na maliligalig.+ש [Shin]Pagngangalitin niya ang kaniyang mga ngipin at talagang matutunaw.+ת [Taw]Ang pagnanasa ng mga balakyot ay maglalaho.+

