Awit 5:1-12
Sa tagapangasiwa para sa Nehilot. Awitin ni David.
5 Ang aking mga pananalita ay dinggin mo,+ O Jehova;Unawain mo ang aking pagbubuntunghininga.
2 Bigyang-pansin mo ang tinig ng aking paghingi ng tulong,+O aking Hari+ at aking Diyos, sapagkat sa iyo ako dumadalangin.+
3 O Jehova, sa umaga ay maririnig mo ang aking tinig;+Sa umaga ay magsasalita ako sa iyo at magbabantay.+
4 Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kabalakyutan;+Walang sinumang masama ang makatatahang kasama mo kailanman.+
5 Walang mga hambog ang makatatayo sa harap ng iyong mga mata.+Napopoot ka sa lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit;+
6 Pupuksain mo yaong mga nagsasalita ng kasinungalingan.+Ang taong nagbububo ng dugo+ at nanlilinlang+ ay kinasusuklaman ni Jehova.
7 Sa ganang akin, dahil sa kasaganaan ng iyong maibiging-kabaitan+Ako ay papasok sa iyong bahay,+Sa pagkatakot sa iyo ay yuyukod ako tungo sa iyong banal na templo.+
8 O Jehova, patnubayan mo ako sa iyong katuwiran+ dahil sa aking mga kagalit;+Patagin mo ang iyong daan sa harap ko.+
9 Sapagkat sa kanilang bibig ay walang anumang mapagkakatiwalaan;+Ang kanilang panloob na bahagi ay tunay na kapighatian.+Ang kanilang lalamunan ay isang bukás na dakong libingan;+Madulas na dila ang ginagamit nila.+
10 Ituturing nga silang may-sala ng Diyos;+Mabubuwal sila dahil sa kanilang sariling mga payo.+Dahil sa dami ng kanilang mga pagsalansang ay hayaan silang mangalat,+Sapagkat naghimagsik sila laban sa iyo.+
11 Ngunit ang lahat ng nanganganlong sa iyo ay magsasaya;+Hanggang sa panahong walang takda ay hihiyaw sila nang may kagalakan.+At haharangan mo ang paglapit sa kanila,At yaong mga umiibig sa iyong pangalan ay magbubunyi sa iyo.+
12 Sapagkat pagpapalain mo ang sinumang matuwid,+ O Jehova;Gaya ng isang malaking kalasag+ ay palilibutan mo sila ng pagsang-ayon.+

