Awit 65:1-13

Sa tagapangasiwa. Awitin ni David. Isang awit. 65  Para sa iyo ay may papuri—katahimikan—, O Diyos, sa Sion;+At sa iyo ay tutuparin ang panata.+   O Dumirinig ng panalangin, sa iyo nga ay paroroon ang mga tao mula sa lahat ng laman.+   Ang mga bagay na may kamalian ay naging mas malakas kaysa sa akin.+Kung tungkol sa aming mga pagsalansang, ikaw ang magtatakip sa mga iyon.+   Maligaya siya na iyong pinipili at pinalalapit,+Upang tumahan siya sa iyong mga looban.+Kami ay tunay na masisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay,+Ang banal na dako ng iyong templo.+   Sasagutin mo kami ng mga kakila-kilabot na bagay sa katuwiran,+O Diyos ng aming kaligtasan,+Ang Tiwala ng lahat ng hanggahan ng lupa at niyaong mga nasa dagat sa malayo.+   Itinatatag niya nang matibay ang mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan;+Siya ay nabibigkisan nga ng kalakasan.+   Pinatatahimik niya ang ingay ng mga dagat,+Ang ingay ng kanilang mga alon at ang kabagabagan ng mga liping pambansa.+   At ang mga tumatahan sa mga kadulu-duluhang bahagi ay matatakot sa iyong mga tanda;+Ang mga pagsapit ng umaga at ng gabi ay pinahihiyaw mo nang may kagalakan.+   Ibinaling mo ang iyong pansin sa lupa, upang mabigyan mo ito ng kasaganaan;+Lubha mo itong pinayayaman.Ang bukal mula sa Diyos ay punô ng tubig.+Inihahanda mo ang kanilang butil,+Sapagkat ganiyan mo inihahanda ang lupa.+ 10  Dinidilig ang mga tudling nito, pinapatag ang mga kimpal nito;+Pinalalambot mo ito sa saganang ulan; pinagpapala mo ang mismong mga sibol nito.+ 11  Ang taon ay pinutungan mo ng iyong kabutihan,+At ang iyo mismong mga landas ay tumutulo sa katabaan.+ 12  Ang mga pastulan sa ilang ay tumutulo,+At nagbibigkis ng kagalakan ang mga burol.+ 13  Ang mga pastulan ay nadaramtan ng mga kawan,+At ang mabababang kapatagan ay nababalutan ng butil.+May-pagbubunyi silang sumisigaw, oo, umaawit sila.+

Talababa