Awit 109:1-31
Sa tagapangasiwa. Ni David. Isang awitin.
109 O Diyos ng aking papuri,+ huwag kang manatiling tahimik.+
2 Sapagkat ang bibig ng balakyot at ang bibig na mapanlinlang ay ibinuka laban sa akin.+Nagsalita sila tungkol sa akin sa pamamagitan ng dila ng kabulaanan;+
3 At pinalibutan nila ako ng mga salita ng pagkapoot,+At lagi nila akong nilalabanan nang walang dahilan.+
4 Kapalit ng aking pag-ibig ay lagi nila akong sinasalansang;+Ngunit sa ganang akin ay may panalangin.+
5 At ginagawan nila ako ng masama kapalit ng mabuti+At ng pagkapoot kapalit ng aking pag-ibig.+
6 Mag-atas ka sa kaniya ng isang balakyot,At may kalaban+ sanang laging nakatayo sa kaniyang kanan.
7 Kapag siya ay nahatulan, lumabas nawa siyang balakyot;At maging kasalanan nawa ang kaniya mismong panalangin.+
8 Maging kaunti nawa ang kaniyang mga araw;+Ang kaniyang katungkulan ng pangangasiwa ay kunin nawa ng iba.+
9 Ang kaniyang mga anak na lalaki nawa ay maging mga batang walang ama+At maging balo nawa ang kaniyang asawa.+
10 At magpalabuy-laboy nawa ang kaniyang mga anak;+At mamamalimos sila,At maghahanap sila ng pagkain mula sa kanilang mga tiwangwang na dako.+
11 Maglatag nawa ng mga bitag ang usurero para sa lahat ng kaniyang tinatangkilik,+At dambungin nawa ng mga taga-ibang bayan+ ang kaniyang bunga ng pagpapagal.+
12 Wala nawang maggawad sa kaniya ng maibiging-kabaitan,+At wala nawang magpakita ng lingap sa kaniyang mga anak na lalaking walang ama.
13 Maukol nawa sa pagkalipol ang kaniyang kaapu-apuhan.+Sa kasunod na salinlahi ay mapawi nawa ang kanilang pangalan.+
14 Maalaala nawa ni Jehova ang kamalian ng kaniyang mga ninuno,+At ang kasalanan ng kaniyang ina+—huwag nawang mapawi iyon.+
15 Manatili nawa silang laging nasa harap ni Jehova;+At putulin niya nawa ang alaala sa kanila mula sa mismong lupa;+
16 Sa dahilang hindi niya naalaalang magpakita ng maibiging-kabaitan,+Kundi tinugis niya ang taong napipighati at dukha+At ang may pusong nalulumbay, upang patayin siya.+
17 At inibig niya ang sumpa,+ anupat dumating ito sa kaniya;+At hindi niya kinalugdan ang pagpapala,+Kung kaya ito ay nalayo sa kaniya;+
18 At siya ay naramtan ng sumpa bilang kaniyang kasuutan.+Kaya pumasok ito sa loob niya na tulad ng tubig+At tulad ng langis sa loob ng kaniyang mga buto.
19 Maging para nawang kasuutan niya iyon na ibinabalot niya sa kaniyang sarili+At gaya ng pamigkis na lagi niyang ibinibigkis sa kaniyang sarili.+
20 Ito ang kabayaran mula kay Jehova niyaong sumasalansang sa akin+At niyaong mga nagsasalita ng masama laban sa aking kaluluwa.+
21 Ngunit ikaw ay si Jehova na Soberanong+ Panginoon.Makitungo ka sa akin alang-alang sa iyong pangalan.+Sapagkat ang iyong maibiging-kabaitan ay mabuti, iligtas+ mo ako.
22 Sapagkat ako ay napipighati at dukha,+At ang akin mismong puso ay inulos sa loob ko.+
23 Tulad ng anino kapag ito ay naglalaho, kailangan kong umalis;+Binugaw ako na parang balang.
24 Ang mga tuhod ko ay gumiwang-giwang dahil sa pag-aayuno,+At ang aking laman ay nangayayat, na walang langis.+
25 At ako ay naging isang bagay na kadusta-dusta sa kanila.+Nakikita nila ako—iniiling nila ang kanilang ulo.+
26 Tulungan mo ako, O Jehova na aking Diyos;+Iligtas mo ako ayon sa iyong maibiging-kabaitan.+
27 At malaman nawa nila na ito ay iyong kamay;+Na ikaw mismo, O Jehova, ang gumawa nito.+
28 Hayaan mong sila, sa ganang kanila, ay magpataw ng sumpa,+Ngunit ikaw nawa, sa ganang iyo, ay magpahayag ng pagpapala.+Bumangon sila, ngunit mapahiya nawa sila,+At magsaya nawa ang iyong lingkod.+
29 Maramtan nawa ng pagkaaba yaong mga sumasalansang sa akin,+At ibalot nawa nila sa kanilang sarili ang kanilang kahihiyan na gaya ng damit na walang manggas.+
30 Lubha kong dadakilain si Jehova sa pamamagitan ng aking bibig,+At sa gitna ng maraming tao ay pupurihin ko siya.+
31 Sapagkat siya ay tatayo sa kanan ng dukha,+Upang iligtas siya mula sa mga humahatol sa kaniyang kaluluwa.

