Awit 80:1-19
Sa tagapangasiwa ng Mga Liryo.+ Isang paalaala. Ni Asap.+ Isang awitin.
80 O Pastol ng Israel, pakinggan mo,+Ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang isang kawan.+O ikaw na nakaupo sa mga kerubin,+ suminag ka.+
2 Sa harap ng Efraim at ng Benjamin at ng Manases ay pukawin mo ang iyong kalakasan,+At pumarito ka ukol sa aming kaligtasan.+
3 O Diyos, ibalik mo kami;+At pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+
4 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magngangalit laban sa panalangin ng iyong bayan?+
5 Pinakain mo sila ng tinapay na mga luha,+At pinaiinom mo sila ng luha at luha na sagana.+
6 Inilagay mo kami sa pakikipaghidwaan sa aming mga kalapit na bayan,+At ang aming mga kaaway ay nang-aalipusta hangga’t kinalulugdan nila.+
7 O Diyos ng mga hukbo, ibalik mo kami;+At pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+
8 Pinayaon mo ang isang punong ubas mula sa Ehipto.+Pinalayas mo ang mga bansa, upang maitanim mo ito.+
9 Naghawan ka ng isang dako sa harap nito,+ upang mag-ugat ito at punuin ang lupain.+
10 Natakpan ng lilim nito ang mga bundok,At ng mga sanga nito ang mga sedro ng Diyos.+
11 Unti-unti nitong pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,+At sa Ilog ang kaniyang maliliit na sanga.+
12 Bakit mo giniba ang mga batong pader nito,+At bakit ito pinipitasan niyaong lahat ng dumaraan sa lansangan?+
13 Inuubos ito ng baboy-ramong mula sa kakahuyan,+At nanginginain dito ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang.+
14 O Diyos ng mga hukbo, bumalik ka, pakisuyo;+Tumanaw ka mula sa langit at tingnan mo at alagaan mo ang punong ubas na ito,+
15 At ang sanga na itinanim ng iyong kanang kamay,+At tingnan mo ang anak na pinalakas mo para sa iyong sarili.+
16 Ito ay nasunog sa apoy, pinutol.+Dahil sa pagsaway ng iyong mukha ay nalilipol sila.+
17 Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao sa iyong kanang kamay,+Sa anak ng sangkatauhan na pinalakas mo para sa iyong sarili,+
18 At hindi kami tatalikod sa iyo.+Ingatan mo nawa kaming buháy, upang makatawag kami sa iyong pangalan.+
19 O Jehova na Diyos ng mga hukbo, ibalik mo kami;+Pagliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas.+

