Awit 53:1-6
Sa tagapangasiwa ng Mahalat.+ Maskil. Ni David.
53 Ang hangal ay nagsabi sa kaniyang puso:“Walang Jehova.”+Gumawi sila nang kapaha-pahamak at gumawi sila nang karima-rimarim sa kalikuan;+Walang sinumang gumagawa ng mabuti.+
2 Kung tungkol sa Diyos, dinudungaw niya mula sa langit ang mga anak ng mga tao,+Upang tingnan kung may sinumang may kaunawaan, sinumang humahanap kay Jehova.+
3 Silang lahat ay tumalikod, silang lahat ay pawang tiwali;+Walang sinumang gumagawa ng mabuti,+Wala ni isa man.
4 Wala bang sinuman sa mga nagsasagawa ng bagay na nakasasakit ang may kaalaman,+Na lumalamon sa aking bayan gaya ng pagkain nila ng tinapay?+Ni hindi sila tumatawag kay Jehova.+
5 Doon ay napuspos sila ng malaking panghihilakbot,+Kung saan dati ay walang panghihilakbot;+Sapagkat pangangalatin nga ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagkakampo laban sa iyo.+Ilalagay mo nga sila sa kahihiyan, sapagkat itinakwil sila ni Jehova.+
6 O kung sa Sion sana manggaling ang dakilang kaligtasan ng Israel!+Kapag tinipong muli ni Jehova ang mga nabihag sa kaniyang bayan,+Magalak nawa ang Jacob, magsaya nawa ang Israel.+

