Awit 95:1-11

95  O halikayo at humiyaw tayo nang may kagalakan kay Jehova!+May-pagbubunyi tayong sumigaw sa ating Bato ng kaligtasan.+  2  Lumapit tayo sa harap niya taglay ang pasasalamat;+May-pagbubunyi tayong sumigaw sa kaniya taglay ang mga awitin.+  3  Sapagkat si Jehova ay dakilang Diyos+At dakilang Hari sa lahat ng iba pang diyos,+  4  Siya na sa kaniyang kamay ay naroon ang mga kaila-ilaliman ng lupa+At siyang nagmamay-ari ng mga taluktok ng mga bundok;+  5  Na nagmamay-ari ng dagat, na kaniya mismong ginawa,+At ang kaniya mismong mga kamay ang nag-anyo ng tuyong lupa.+  6  O pumarito kayo, sumamba tayo at yumukod;+Lumuhod+ tayo sa harap ni Jehova na ating Maylikha.+  7  Sapagkat siya ang ating Diyos, at tayo ang bayan ng kaniyang pastulan at ang mga tupa ng kaniyang kamay.+Kung ngayon ay maririnig ninyo ang kaniyang tinig,+  8  Huwag ninyong patigasin ang inyong puso gaya ng sa Meriba,+Gaya noong araw ng Masah sa ilang,+  9  Nang ilagay ako ng inyong mga ninuno sa pagsubok;+Sinuri nila ako, nakita rin nila ang aking mga gawa.+ 10  Sa loob ng apatnapung taon ay naririmarim ako sa salinlahing iyon,+At sinabi ko:“Sila ay isang bayang liko ang puso,+At hindi nila nalalaman ang aking mga daan”;+ 11  May kinalaman sa kanila ay sumumpa ako sa aking galit:+“Hindi sila papasok sa aking pahingahang-dako.”+

Talababa